(Oktubre/2015) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2015/10/02 Friday Nilalaman, Paninirahan

2015-10 Ken'ei Jutaku

Panahon ng Aplikasyon: Oktubre 2, 2015 (Biyernes) hanggang Oktubre 31, 2015 (Sabado)

Simula Abril 1 ay maaring alamin sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay  (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/kenju/index.htm

Kahit kailan ay maari ninyong makita sa website na nasa itaas ang tungkol sa mga kuwalipikasyon sa pag-upa at ang mga paalala tungkol sa pag-upa.

Lahat ng impormasyon ay sa salitang Hapon.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng 

Aplikasyon

 Panahon ng pagpasa ngaplikasyon sa

post office 

Araw ng Bunutan

 Unang araw ng

pag-upa 

Abril  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Agosto Oktubre 1
Oktubre  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan  Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.
Sa mga katanungan: Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 (Sa salitang Hapon lamang maaring makipag-usap)