(April/2018) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

(2018年4月)県営住宅の定期募集

2018/04/16 Monday Paninirahan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Abril

Hanggang Abril 30, 2018 (Lunes)

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa),(mga patakaran sa pag-upa) atbp.
http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Abril 30, 2018 (Lunes)

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibibu Jutakuka Kanri Group TEL: 059-224-2703

 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city, Nabari city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei・Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Mihama district) TEL: 059-222-6400

Gaganapin ang 2018 Kenmin no hi Kinen Jigyo

2018/04/16 Monday Paninirahan

Kasabay ng Mie Kenmin no hi sa Abril 18, gaganapin ang “Kenmin no Hi Kinen Jigyo” ng prefecture. Ngayong taon, ang tema ay (Mezasou! “Bosai no Nichijo-ka”〜 Shiru・Sonaeru・Kodo suru).

  1. Bosai Science Show
    1. Araw at oras: Abril 14, 2018 (Sabado) 13: 00 ~ 15: 00 (Opening 12: 30 ~)
    2. Lugar: Mie Ken Sogo Bunka Center Frente Mie Tamokuteki Hall
    3. Nilalaman:
      Ipakikilala natin ang mga mekanismo ng kalamidad sa pamamagitan ng mga eksperimento sa madaling maunawaan na paraan.
      Ito ay isang science show sa pag-iwas sa sakuna kung saan ang mga bata pati na rin ang mga matatanda ay maaaring matuto at mag-enjoy.
    4. Participation fee: Libre ※Kinakailangan ang pre-registration
      <Application sa pamamagitan ng website>
      Mangyaring mag-apply mula sa sumusunod na HP(Japanese only)
      http://www.pref.mie.lg.jp/BTSOMU/HP/m0097700022.htm
      <Application sa pamamagitan ng FAX o E-mail>
      Mangyaring punan ang pangalan, contact information, bilang ng mga aplikante at ipadala ito sa numero ng FAX o E-mail address na nakalista sa ibaba
    5. Kapasidad: 300 katao
  2.  Stamp Rally
    1. Araw at oras: Abril 14, 2018 (Sabado) 11: 00-16: 00
      (Tatanggapin ang Stamp rally hanggang 15:30)
    2. Lugar: Mie Ken Sogo Bunka Center Shukusai hiroba, Chishiki no hiroba, Frente Mie Seminar room
    3. Nilalaman:
      Tangkilikin ang iba’t ibang kaalaman sa pag-iwas sa sakuna sa pamamagitan ng pagpunta sa iba’t ibang mga disaster prevention booth.
      Mamimigay kami ng mga regalo para sa disaster prevention.
    4. Participation fee: Libre (Hindi kinakailangan ang advance application)
  3. Free Opening ng Prefecture Facilities

Ang free opening ng public facilities sa prefecture ay gaganapin kasabay ng Kenmin no Hi Kinen Jigyo event sa Abril 14, Para sa bawat pasilidad, pakitingnan ang sumusunod na PDF file (Japanese only).

Kenmin no Hi Kinen Jigyo Prefecture Facilities

 

Makipag-ugnayan sa

Mie Ken Bosai Taisaku-bu Bosai Taisaku Sokyoku

〒514-8570   Tsu-shi Komei-cho 13 (Head Office 5F)

TEL 059-224-2181  FAX 059-224-2199  Mail btsomu@pref.mie.jp