Ang Nagoya Regional Immigration Services Bureau ay magiging abala at matao sa kalagitnaan ng Agosto

8月中旬は名古屋出入国在留管理局が混雑します

2023/07/25 Tuesday Anunsyo

Maraming mga kumpanya ang magsasara sa panahon ng Obon holiday (kalagitnaan ng Agosto), kaya bawat taon maraming tao ang nag-a-apply para sa residency status at iba pang mga dokumento.  Ibig sabihin, magiging abala ang counter sa Nagoya Regional Immigration Service Bureau (Nagoya Shutsunyukoku Zairyu Kanrikyoku).

Sa partikular, ito ay inaasahang magiging lubhang madaming tao mula ika-14 hanggang ika-18 ng Agosto.

Ang oras ng paghihintay ay magiging napakatagal, kaya kung wala ka namang problema sa residence status o periodof stay, inirerekomenda namin na iwasan mo ang mga panahon na kung saan magiging busy at matao.

I-click dito upang tingnan ang kalendaryo ng forecast ng dami ng tao para sa Agosto 2023 (inihanda ng Nagoya Regional Immigration Service Bureau).

* Sa Mie Prefecture, mayroong branch ng Nagoya Regional Immigration Service Bureau sa Yokkaichi Port.

Address: Mie-ken Yokkaichi-shi Chitose-cho 5-1 Yokkaichi Seaport Joint Government Office Bldg

Coronavirus: Mapa ng mga pharmacy/tindahan na nagha-handle ng qualitative antigen test kits

2023/07/25 Tuesday Anunsyo

【新型コロナウイルス】抗原定性検査キットの取扱店舗マップ

I-click ang link ng Google Maps sa ibaba para tingnan ang mga pharmacy at tindahan na mayroong coronavirus antigen qualitative test kit sa Mie Prefecture.

https://www.google.com/maps/d/viewer?mid=1nIiAePTndDqM_7_olu9YqytvBC8UI90&ll=34.46188893280843%2C136.42998740000002&z=8

  • Ang impormasyong ito ay kinuha mula sa website ng Ministry of Health, Labor and Welfare. Link: https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000082537_00001.html
  • Pumili ng inaprubahan ng gobyerno na “In Vitro Diagnostic Product” o “Category 1” test kit. Ang mga gamot na inuri bilang “research use” ay hindi aprubdo ng gobyerno.
  • Ang mapang ito ay hindi ginagarantiya na may mga stock ng test kit. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin nang maaga upang kumpirmahin ang availability dahil nag-iiba-iba ang stock sa bawat tindahan.

Mga Kaugnay na Link

Kung gusto mong kumonsulta sa wikang banyaga, tumawag sa MieCo (Mie Foreign Resident Consultation Center)

Numero ng telepono: 080-3300-8077

Mga oras ng pagbubukas: Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 am hanggang 5:00 pm (sarado tuwing Sabado, Linggo, mga araw ng paggunita at holiday sa katapusan ng taon at Bagong Taon).

Mga magagamit na wika: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepalese, Indonesian, Thai at Japanese.