Mga Sesyon ng Kosultasyon ng Magulang para sa mga Batang Tumatangging Pumasok sa Paaralan 2026

Hunyo 4, 2026 Seminar at mga events

1. Layunin

Kapag ang isang bata ay tumatangging pumasok sa paaralan, ang ilang mga magulang ay maaaring mabahala dahil hindi nila alam kung paano haharapin ang kanilang anak, nakakaramdam ng pagkabalisa tungkol sa kinabukasan ng kanilang anak, o nagtataka kung sila ba ay may bahaging kasalanan sa pagtanggi ng bata. Ang Mie Prefectural Board of Education ay magsasagawa ng siyam na “Mga Sesyon ng Konsultasyon ng Magulang para sa mga Batang Tumatangging Pumasok sa Paaralan” upang mabigyan ang mga magulang ng kinakailangang impormasyon, mga pagkakataon para sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang, at mga pagkakataon na kumonsulta sa mga espesyal na institusyon, upang ang mga batang tumatangging pumasok sa paaralan ay makatanggap ng naaangkop na suporta.

2. Target na Participants

Mga magulang ng mga batang tumatangging pumasok sa paaralan.

3. Lugar at Petsa

Edition Lugar Date Registration deadline
1 Tsu Government Building, Main Building, 6th Floor, Meeting Room

Tsu-shi Sakurabashi 3-chome 446-34

June 7, 2026 (Linggo) June 4th (Huwebes)
2 Yokkaichi Government Building, Main Building, 6th Floor, Meeting Room

Yokkaichi-shi Shinsho 4-chome 21-5

June 20, 2026 (Sabado) June 17th (Miyerkules)
3 ★ Iga City Educational Research Center, 3rd floor, meeting room.

Iga-shi Kamitomono 785

July 4, 2026 (Sabado) June 25th (Huwebes)
4 Ise Government Building, 4th floor, room 401

Ise-shi Seitacho 628-2

August 23, 2026 (Linggo) August 20th (Huwebes)
5 Kumano Government Building, 5th floor, meeting room A

Kumano-shi Idocho 371

October 4, 2026 (Sabado) October 1st (Huwebes)
6 Kuwana Government Building, 3rd floor, meeting room 1

Kuwana-shi Chuocho 5-chome 71

October 24, 2026 (Sabado) October 21 (Miyerkules)
7 Ureshino Community Center, 2nd floor, meeting room

Matsusaka-shi Ureshinocho 1429-1

November 28, 2026 (Sabado) November 25th (Miyerkules)
8 Suzuka Government Building, 4th floor, room 46

Suzuka-shi Nishijo 5-chome 117

December 12, 2026 (Sabado) December 9th (Miyerkules)
9 Mie Prefectural General Education Center, 1st floor, multipurpose hall

Tsu-shi Otanicho 12

January 8, 2027 (Biyernes) January 5th (Martes)

★ Ang 3rd edition ay co-hosted ng “Fureai Hotto Salon” sa Iga City.

4. Schedule ng buong araw

 1st hanggang 2nd ~ 4th hanggan 9th Edition 3rd Edition
13:00-13:10 Greetings at paliwanag ng program

13:10-13:50 Lecture (40 minutes)

14:00-14:50 Meeting para sa palitan ng mga karanasan (50 minutes)

15:00-16:30 Indibidwal na konsultasyon (90 minutes)

13:00-13:10 Greetings at paliwanag ng program

13:10-14:10 Lecture (60 minutes)

14:20-15:00 Mga katanungan at general meeting para sa palitan ng mga karanasan (40 minutes)

15:10-16:30 Indibidwal na konsultasyon (80 minutes)

5. Nilalaman ng buong araw na sesyon

(1) Lecture

Ang mga postgraduate students, mga professional na naka-experience na tumanggi na pumasok sa school, at psychology specialists, ay magsasalita tungkol sa kanilang mga damdamin tungkol sa mga batang nakakaranas ng pagtanggi sa paaralan, mga school, at kanilang caregivers.

(2) Meeting para sa sharing o palitan ng mga karanasan

Ang mga kalahok na caregivers ay magpapalitan ng mga opinyon, na pinangungunahan ng mga tagapayo sa paaralan at mga social worker sa paaralan.

(3) Indibidwal na konsultasyon

Magkakaroon ng mga indibidwal na konsultasyon sa mga booth na pinaghihiwalay ng uri ng propesyonal na nagbibigay ng serbisyo.

≪Consultation Staff≫

① School Counselor   ② School Social Worker

③ Speaker                  ④ Educational Support Center Staff

⑤ Mie Prefectural Board of Education Staff      ⑥ Prefectural Educational Support Center Instructor

⑦ Mie School Refusal Support Network Secretariat

・ Ang ① at ② ay magiging mga tagapayo sa paaralan at mga social worker sa paaralan na itinalaga ng Mie Prefectural Board of Education sa mga paaralan o mga educational support center sa loob o malapit sa lugar.
・Ang ③ at ⑦ ay maaaring hindi maging available dahil sa mga ilang dahilan.

・Ang ④ ay mga staff mula sa mga educational support center sa loob o malapit sa lugar.

6. Mga speakers

  • Kenji Watanabe (渡邉 賢二): 1st at 9th editions (Tsu), 2nd edition (Yokkaichi), at 4th edition (Ise).

Specially appointed professor ng Kogakkan University, certified psychologist, at school refusal support advisor ng Mie Prefecture. Specializes sa educational psychology at family psychology. Magsasalita siya, mula sa pananaw ng isang eksperto sa sikolohiya, tungkol sa emosyonal na kalagayan ng mga bata at mga paraan upang makipag-ugnayan sa kanila.

  • Ririka Murakami (むらかみ りりか): 3rd edition (Iga).

Master trainer ng “Communication in Developmental Sciences” at author ng “HSC: Training para sa mga Magulang Upang Maunawaan Kung Paano Magpalaki ng mga Batang Sensitibo.” Tatalakayin niya ang mga paraan ng interaksyon na makakatulong sa pag-oorganisa ng mga puso at utak ng mga batang sensitibo o may mataas na kakayahang mag-isip na nahihirapang pumasok sa paaralan, upang sila ay makapag step forward.

  • Kazuya Shirota (代田 和也): 5th edition (Kumano) at 7th edition (Matsusaka).

Director, producer, at announcer ng Mie FM Broadcasting (Radio Cube FM Mie). Naranasan niya ang pagtanggi sa paaralan noong siya ay nasa middle school. Ikukwento niya ang kanyang mga karanasan at damdamin mula noon at kung paano niya natagpuan ang kanyang kasalukuyang trabaho.

  • Mga kabataang may karanasan sa pagtanging pumasok sa paaralan: Ika-6 na edisyon (Kuwana) at ika-8 edisyon (Suzuka).

Mga postgraduate student na nagre-research, sa particular na paraan, tulad ng animal-assisted education sa pamamagitan ng “rescued dogs”. Naka-experience siya na tumangging pumasok sa high school. Pag-uusapan niya ang kaniyang mga karanasan at damdamin noong panahong iyon at ang kaugnayan niya sa mga magulang at paaralan.

7. Paano mag-apply

Magrehistro gamit ang isa sa mga pamamaraan sa ibaba.

(1) I-scan ang two-dimensional code sa kanan at magrehistro gamit ang form ng Mie Prefectural Education Committee.

(2) Magrehistro nang direkta sa Mie Prefectural Education Committee sa pamamagitan ng telepono o email.

 

Kung magrerehistro sa pamamagitan ng email, pakilagay sa subject line ang: “Registration for the consultation meeting for parents/guardians – (pangalan ng lokasyon)”, at ibigay ang sumusunod na impormasyon:

[pangalan ng kalahok (magulang/guardian), impormasyon sa pakikipag-ugnayan (telepono at email address), nais na lokasyon para sa paglahok, uri ng paaralan kung saan naka-enroll ang bata, paaralan, baitang/taon, pangalan ng bata, lungsod/munisipalidad na tinitirhan, at nilalaman kung saan nais nilang salihan (lecture, experience-sharing meeting, at/o indibidwal na konsultasyon)].

Destinasyon para sa pagsumite ng aplikasyon / contact

Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Seito Shido-ka Futoko Shien-han (三重県教育委員会事務局生徒指導課不登校支援班)

Tel.: 059-213-6611    E-mail: seishi@pref.mie.lg.jp

※ Kung nais ninyong lumahok pagkatapos ng huling araw ng pagpaparehistro, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono.

8. Others

  • Depende sa sitwasyon, kapag nagkaroon ng sakuna, maaaring ipagpaliban o kanselahin ang event.
  • Sa araw na iyon, maaaring may media coverage, ngunit igagalang ang privacy ng mga kalahok.

Salamat sa inyong pag-unawa.