Paunawa tungkol sa Libreng Online Japanese Classes

Mayo 14, 2026 Anunsyo, Edukasyon

Magkakaroon ng online Japanese classes para sa mga dayuhang residente na nakatira sa mga lugar kung saan walang Japanese classes sa kanilang rehiyon, o nahihirapang dumalo sa face-to-face classes dahil sa trabaho, pag-aalaga ng anak, at iba pang dahilan.

Sa mga klase na ito, makakapag-aral ng Japanese ang mga kalahok at makakakilala o makakausap ng iba pang tao.

Petsa at Oras

  1. Paghahanda para sa Paglahok

Hunyo 24, 2026 (Miyerkules), mula 9:00 a.m. hanggang 12:00 p.m.

Sa oras na ito, magkakaroon ng interview na humigit-kumulang 15 minuto bawat tao.

  1. Japanese Classes

Tuwing Miyerkules, mula 10:00 a.m. hanggang 11:00 a.m.

Mga petsa:
Hulyo 1, Hulyo 8, Hulyo 15, Hulyo 22, Hulyo 29, at Agosto 5, 2026

* Hangga’t maaari, mangyaring dumalo sa lahat ng araw ng paghahanda at klase.

Paraan ng Paglahok

Online, gamit ang Zoom.

Sino ang Maaaring Sumali

Mga dayuhang residente na tumutugon sa dalawang kondisyon sa ibaba:

16 taong gulang pataas at nakatira sa Mie Prefecture
・May access sa internet at marunong gumamit ng Zoom

Pagpaparehistro

Magparehistro sa pamamagitan ng URL sa ibaba hanggang Hunyo 15, 2026 (Lunes):

https://forms.gle/t7mq8x9NwVFTMGxN8

※ Kung maraming magpaparehistro, bibigyan ng prayoridad ang mga taong nakatira sa mga lugar kung saan walang Japanese classes.

Mga Katanungan

Mie International Exchange Foundation (MIEF)

〒514-0009 Mie-ken Tsu-shi Hadokoro-cho 700 UST Tsu 3rd floor

Telepono: 059-223-5007

Email: mief@mief.or.jp

Pamplet

Makikita ang pamplet ng online Japanese classes dito:

Pamplet ng Online Japanese Classes