Mie Prefectural Tsu Technical School Metal Forming Department: Nagre-recruit ng mga estudyante para sa Oktubre 2024 na enrollment

三重県立津高等技術学校 金属成形科 2024年度 10月入校生の募集

2024/07/12 Friday Anunsyo, Edukasyon

Target na kwalipikasyon

JIS Welding Skills Evaluation License  Basic level (SA-2F, SA-3F, A-2F) (optional)

  • Certificate of completion of gas welding skills training〈Mie Labor Bureau Registered Training Institution (Mie Labor Bureau No. 17-4)〉
  • Certificate of completion of special arc welding training
  • Certificate of completion of special training in free grinding wheel replacement
  • Certificate of completion of slinging skills training〈Mie Labor Bureau Registered Training Institution (Mie Labor Bureau No. 20-2)〉 (optional)

Recruitment capacity: 10 katao

Training period

Tuesday, October 8, 2024 to Friday, March 7, 2¹025

(Excluding weekends, holidays, and days when designated training is not conducted)

Training hours: 8:30 to 15:40

Bayad

・Ang course ay libre

・20,000 yen ang kailangan sa oras ng pagpapatala para sa halaga ng mga damit para sa trabaho, kagamitan sa proteksyon, insurance sa aksidente, atbp..

◇Target na mga participants

Para sa mga may motibasyon na makakuha ng mga kasanayan at makahanap ng trabaho sa Metal Forming Department at nasa ilalim ng alinman sa mga sumusunod na kategorya:

  1. Mga Foreign nationals na may residence status na walang restrictions sa pagta-trabaho

* Gayunpaman, dapat  marunong makipag-usap ng daily conversational Japanese at marunong magbasa at magsulat ng hiragana

  1. Para sa may kaunti o walang karanasan sa trabaho

Seleksyon para sa admission ng vocational training

  • Ang mga nais kumuha ng pagsasanay ay dapat lumahok sa pagpili ng admission.
  1. Petsa ng admission selection

1st admission selection: Lunes, Agosto 26, 2024

2nd admission selection: Huwebes, Setyembre 12, 2024

3rd admission selection: Miyerkules, Setyembre 25, 2024

(Pakitandaan na ang 2nd at 3rd admission selections ay hindi gaganapin kung ang kapasidad ay naabot na.)

  1. Ang mga gustong lumahok sa pagpili ng admission ay kailangang sumangguni sa Public Employment Security Office (Hello Work).
  2. Mga detalye ng pagpili sa pagpapatala.
  • Explanation ng nilalaman ng training
  • Application procedure para sa enrollment
  • Aptitude test
  • Hiragana test
  • Individual interview
  1. Sa araw ng training, mangyaring pumunta sa Tsu Technical College bago ang 9:00 a.m.
  2. Mga bagay na dadalhin sa araw
  • Writing implements (black ballpoint pen, pencil, eraser)
  • Residence card (foreign nationals only)
  • Hello Work reception slip at isa sa mga sunusunod:

(1) Para sa mga eligible para sa employment insurance, employment insurance eligibility certificate

(2) Para sa mga walang employment insurance, identification (driver’s license, health insurance card, etc.)

Paraan ng pag enroll

  1. Ang mga matagumpay na aplikante ay padadalhan ng notice of admission at mga dokumento para sa pag enroll sa pamamagitan ng koreo.
  2.  Hindi kami tatanggap ng anumang mga katanungan tungkol sa mga resulta sa pamamagitan ng telepono, atbp.

Pinakamalapit na public transportation

  • JR – 15 minutong lakad mula sa Takachaya Station
  • Kintetsu -Sumakay sa Sanko bus patungo sa “Kumozu Kokancho” mula sa silangang labasan ng Hisai Station.  5 minutong lakad mula sa “Takachaya Danchi-mae.”.

Lokasyon ng training, application at contact information

〒514-0817 Tsu-shi Takachaya Komori-cho 1176-2

Mie Kenritsu Tsu Kouto Gijutsu Gakko

Person in charge: Kato Kitamura Metal Forming Department

TEL: 059-234-3135

FAX: 059-234-3668

Homepage: https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/tanki/kinzoku/index.html

Flyers:

Portuguese

Spanish

English

Japanese

(July/2024) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2024/07/12 Friday Anunsyo, Edukasyon

(2024年7月)県営住宅の定期募集

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng July
July 2 (Martes) ~ July 31 (Miyerkules), 2024

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang sa susunod na Miyerkules ng susunod na buwan. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang July 31.

*Simula sa Abril 2020 recruitment, ang mga single-person household ay maaari na ngayong lumipat sa prefectural housing.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

(Gayunpaman, ang mga aplikasyon sa Enero ay tatanggapin sa unang Martes o Biyernes pagkatapos ng Enero 4.)

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Yokkaichi city, Suzuka city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city) TEL: 059-222-6400

Mangyaring sumangguni sa sumusunod na URL para sa impormasyon tulad ng “Mga Kwalipikasyon para sa paglipat” at “Mga dapat tandaan tungkol sa paglipat.”

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Lahat ng impormasyon ay nasa Japanese.