(April/2020) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

(2020年4月)県営住宅の定期募集

2020/04/08 Wednesday Paninirahan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng April
April 3 (Biyernes) ~ April 30 (Huwebes), 2020

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa), (mga patakaran sa pag-upa) atbp.
http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm
*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang April 30.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703

 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city, Nabari city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Mihama district) TEL: 059-222-6400


Bumuo Kami ng isang Patnubay para sa Paglikha ng isang Multicultural Society sa Mie Prefecture (ika-2 edisyon)

2020/04/08 Wednesday Paninirahan

三重県多文化共生社会づくり指針(第2期)を策定しました

Noong Marso 2016 (Heisei 28), ang Mga Alituntunin para sa Paglikha ng isang Multikultural na Lipunan sa Mie Prefecture (ika-2 edisyon) ay isinara sa pagtatapos ng 2019 (Reiwa 1).  Dahil sa kadahilanang ito, ang ika-2 edisyon ng Mga Alituntunin para sa Paglikha ng isang Lipunan ng Multikultural sa Mie Prefecture ay tinukoy batay sa mga sitwasyong panlipunan na may kaugnayan sa pagkakaisa ng multikultural.

Ang panahon ay sa pagitan ng mga piskal na taon 2020 (Reiwa 2) at 2023 (Reiwa 5), ​​na sumasaklaw ng 4 na taon.

Batay sa mga patnubay na ito, ang Mie Prefecture ay magpapatuloy ng mga pagsisikap na lumikha ng isang lipunang multikultural.

Tingnan sa ibaba para sa mga detalye sa maraming wika.

JapanesePortugueseSpanishFilipinoChineseEnglish

Tingnan ang homepage ng city hall

http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0011500245.htm