Pagpapakilala ng dayuhang residendente na aktibo sa komunidad na patungo sa isang Multicultural Coexistence Society

多文化共生社会に向けて地域社会で活躍する外国人住民の紹介

2018/01/04 Thursday Kultura at Libangan

Ang mga dayuhan na naninirahan sa Mie Prefecture ay makikita ang pagtaas mula sa tatlong taong nakakaraan. Ayon sa data noong Disyembre ng taong 2016, ang Mie Prefecture ay may mahigit na 43,000 na nakatirang mga dayuhan, na nasasangkop bilang 2.36% ng populasyon. Ang mga naninirahan sa Mie Prefecture ay galing sa iba’t ibang bansa at rehiyon na may bilang ng mga nasyonalidad na hindi lalampas ng isang daan.

bagamat may iba’t-ibang rason kung bakit dumating sa Japan, ang mga foreigners ay naninirahan bilang isang miyembro ng lipunan sa kanilang mga lugar. Madami sa mga tao ang nakikibagay sa Japanese society at positibong natatanggap ang kultura, paniniwala, pamumuhay at linguwahe habang patuloy pa din na pinapatupad ang kanya-kanyang mga paniniwala at cultural background.

Sa sandaling ito, kasama sa mga dayuhang residente, ang mga Pilipino na pumapangatlo sa pinaka-marami na sumunod sa Brasil at China, na unang dumating sa Japan 15 taon ng nakalilipas, ay sumasali sa mga conference ng mga foreigner, interpreters, mga klase para sa international understanding sa mga eskwelahan, atbp., nakapanayam namin ang dalawang tao na nagko-contribute sa pagbuo ng isang lipunan na may multicultural coexistence.

Ang unang grupo ay si Mrs. Sarah Bartolome na nakatira sa Matsusaka City at ang kanyang asawa na si Mr. Marco Bartolome. Si Sarah ay nagta-trabaho sa Matsusaka City bilang isang interpreter. Ibinahagi niya ang karanasan bilang isang interpreter.

Ang pagiging translator ay napaka-importante kasi may mga Pilipino na kahit matagal ng nakatira sa Japan, mayroon silang hindi alam na terms pagdating sa Municipal Office, katulad ng mga dokumento, kung ano yung kailangan kuhanin at minsang marunong silang mag-Japanese pero wala silang lakas ng loob na makipag-usap o hindi nila masyado naiintindihan ang sinasabi ng mga Hapon. Kaya’t napaka-importante talaga dahil nakakatulong kami sa maraming Pilipino at bukod pa dito hindi lang Pilipino, Brasil, Chinese, Peru marami talaga so nakakatulong kami kaya’t kailangang magkaroon ng translator sa bawat siyudad.

Si Sarah ay nakilahok sa conference ng mga dayuhang residente ng Mie Prefecture, tinanong namin ang kanyang dahilan sa pagsali.

Bilang isang miyembro, noong sumali ako doon sa meeting na yon, ang daming naitulong saakin kasi madami akong impormasyon na nalaman galing sa ibang tao. Tapos marami akong, base sa aking karanasan, kapag tinatanong nila ako ay nabibigyan ko sila ng suporta o kahit konting tulong sa aking makakaya upang matulungan sila sa kanilang sitwasyon. Kaya’t lubos akong nagpapasalamat dahil naging miyembro ako at pati na din sa pagsali sa ganitong klase ng society.

Si Sarah at si Marco ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagpapalaki ng kanilang apat na anak.

Noong una napaka-hirap dahil hindi ako magaling magsalita ng Japanese, pero natuto ako. Nag aral ako mag-isa upang maturuan ko kahit konti ang mga anak ko, kaya noong pumasok na sila sa school nagsimula na silang matuto. Ang mahirap lang kasi ay ginagaya nila ang ibang mga batang hapon, in a good way, nai-express nila yung sarili nila pero syempre mayroon kaming katulad ng mga lola nila kapag pumupunta sila dito at nakikita nila sasabihin nila, “bakit hindi magalang ang anak mo”, ganyan so sinisikap nilang intindihin na iba ang kultura. Saamin din ganon, so kung hindi naming oobserbahan sasabihin nila na hindi magalang o unrespectful ang bata.

 

Tinanong namin kung ano ang hangad nila para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bilang tatay katulad ng lahat, gusto ko yung gusto nila, kung ano yong gusto nilang mangyari sa kanilang buhay hindi lang na porket gusto ko silang maging engineer ay itutulak ko sila para maging engineer hindi, ang gusto ko ay i-enjoy nila ang buhay at kung ano ang gusto nila paglaki nila. Support lang, magsu-suporta lang kami at iga-guide lang naming sila sa tamang daan

 

Ang pangalawang interbyu ay si Mrs. Leonela Ramis na nakatira sa Suzuka-shi. Siya ay nasa international marriage ng isang Japanese national at kasalukuyang nagpapalaki ng 4 na anak.  Nagbalik tanaw siya sa mga hirap na kanyang naranasan noong una siyang dumating sa Japan.

Simula noong, syempre lahat naman siguro ng mga bago dito sa Japan, hindi marunong sa salita, yung sinasabi nilang language. So nahirapan ako kasi zero, nag-start talaga ako sa walang alam na Nihonggo. Ang alam ko lang ay yung ano lang nila Aisatsu, yung greetings lang nila katulad ng pasasalamat, konnichiwa, arigatou, yun lang alam ko na salita so nahirapan ako makipag-communicate sa mga taong nakapaligid saakin tsaka unang-una syempre wala akong kamag-anak dito sa Japan, wala akong kakilala so naging ano rin saaakin na naging problema nanagkaroon ako ng homesick sa pamilya kasi masyado akong close sa pamilya ko so yon nahirapan ako doon noong unang dating ko dito talaga yung salita nila hindi ako marunong magsalita.

 

Si Mrs. Ramis ay naga-assist sa mga foreigners bilang isang interpreter ng Mie International Exchange Foundation. Ibinahagi nya ang kanyang saloobin bilang isang interpreter.

Talagang para rin syempre yung mga nauna kong naranasan, nung unang panahong na talagang wala akong alam zero talaga hindi ko alam ang gagawin ko so at the same thing na gusto ko din makatulong doon sa mga bagong taong halimbawa bagong pasok sa Japan o mga walang alam na salitang hapon, pangangailangan nila sa buhay so doon sa tina-trabahuan ko sa Mie Kokusai Koryu Zaidan meron doon, meron siyang tinatawag na madoguchi or desk for help desk para sa mga Filipinos or don sa mga marunong magsalita ng English. So kung ano man ang pangangailanagan nila tatawag sila doon sa office sa Mie Kokusai Koryu Zaidan, Doon malalaman kung halimbawa mayroon silang problema sa ano-anong bagay halimbawa sa Health Insurance na hindi nila alam hindi nila mabasa so pumupunta sila doon sa opisina para manghingi ng tulong so maganda din yon para sa mga, nakakatulong din talaga para sa mga Filipino na nakatira sa Mie Ken dito sa Japan.

Ano ang mensahe na maibibigay mo sa mga foreigners na nakatira sa Mie Prefecture.

Ang message ko para sa kanila syempre, iba-iba ang tinatakbo ng pamumuhay natin dito sa Japan pero syempre lahat tayo ay nagsisimula sa mahirap lalong lalo na kung hirap tayo sa pagsasalita ng hapon, pagbabasa, pagsususlat so sa trabaho marami tayong paghihirap pero nasa satin kung papaano natin iistep-up ang sarili natin, ili-level up ang sarili natin para mawala na tayo sa paghihirap natin so nasa satin kung papaano natin i-enhance ang sarili natin katulad ng nangyari saakin noon na hindi habangbuhay hindi ako marunong magbasa kasi dito ako nakatira sa Japan so kailangan marunong ako kasi dito ako at dito ko palalakihin ang mga anak ko. Mag-iisip tayo ng paraan kung paano natin made-develop ang sarili natin at tsaka hindi lang puro hirap, so nasa satin yun kun paano nati io-overcome yung paghihirap na nagyayari satin ngayon so kailangan lang talaga natin ng tinatawag sa nihonggo na “Douryoku” (pagsisiskap) para sa sarili.

May ibang mga tao na aktibong sumusuporta ng sarili nilang kagustuhan sa mga dayuhang residente sa pamamagitan ng pakikipagsanib ng lakas kasama ang administrasyong Hapon, pribadong organisasyon at institusyong pang edukasyon katulad ng mga taong ipinakilala namin.

Upang mabuo ang isang multicultural coexistence society na layunin para sa Mie Prefecture, may mga limitasyon ang mga kayang gawin ng mga Japanese at ganun din sa mga kayang gawin ng side ng mga foreigners. Ang importanteng bagay ay matutong magkaintindihan ang mga dayuhan at Hapon, matanggap ang mga pagkakaiba sa isa’t-isa, at mapagsanib ang lakas sa pamamagitan ng pantay na pakikitungo at ang mga taong may diverse na backgrounds bilang lokal na residente, sa pamamagitan ng pagbuo ng komunidad na magkasama ay maiintindihan ang isang multicultural coexistence society.

Year-end at New Year holidays sa Ise Shrine – Paalala tungkol sa trafic control ng Park & ​​Bus Ride  (2017 – 2018)

2018/01/04 Thursday Kultura at Libangan

年末年始 伊勢神宮 初参り パーク&バスライド及び交通規制のお知らせ(2017~2018)

Inaasahan na magiging ma-traffick sa paligid ng Ise Jingu tuwing holidays ng bagong taon. Bilang isang countermeasure laban sa pagbigat ng daloy ng traffic, maglalagay ng karagdagang parking lot sa paligid ng prefectural managed na San Arena, at mago-operate ng shuttle bus mula sa Ise Shrine hanggang sa loob ng B parking lot. Paalala lang na ang oras ay maaaring magbago depende sa araw.

Kahit na libre ang shuttle bus, ang parking rental fee na 1,000 yen ay kailangang bayaran sa kada isang sasakyan. Mangyaring ipakita ang resibo ng parking fee sa clerk tuwing sasakay ng bus.

【Temporaryong parking lot】

Sa paligid ng Mie Peefectural San Arena

〒516-0021 Mie Ken Ise Shi Asama Cho Kamodani 4383-4

(Bumaba sa “Asama Higashi IC” ng Ise Futami Toba Line)

【Schedule ng shuttle bus】

December 31, 2017 (Linggo) 10pm~

January 1, 2018 (Lunes) 4pm

January 2, 2018 (Martes) 9am 9~4pm

January 3, 2018 (Miyerkules) 9am~4pm

January 6, 2018 (Sabado) 9am~4pm

January 7, 2018 (Linggo) 9am~4pm

※Last trip ng Shuttle Bus (sa paligid ng Shrine at sa loob) 6:30pm

※Ang Omoiyari shuttle bus ay mago-operate galing sa loob ng shrine B2 hanggang Ujibashi Bashi.

Ang mga pwedeng gumamit ng Park & ​​Bus Ride ay ang mga sumusunod na bilang 1-4:

1. Mga matatanda (over 75 years old)
2. Mga taong may kapansanan
3. Mga nagdadalang tao
4. Ang mga tagapag-alaga at mga pamilya ng mga nabanggit sa itaas na numbers 1-3.

【Regulasyong pantrapiko】

Sa oras ng park & ​​bus ride, dahil sa exit regulation, ang mga general passenger na mga sasakyan ay hindi pwedeng lumabas sa Ise west IC · Ise IC (maaaring makapasok sa entrance). Bukod pa dito, ang Sabado, Linggo at holidays sa January 4 hanggang 5, sa January 8 hanggang 28 at February 11 ng 9am hanggang 3pm, ay babaguhin din ang lugar ng exit sa Ise Nishi IC.

Para sa iba pang detalye, tignan ang homepage.

Impormasyon sa traffic (Japanese only)http://www.rakurakuise.jp/content/regulation.php

English Homepage: http://www.rakurakuise.jp/en