• Português (Portuguese, Brazil)
  • Español (Spanish)
  • Filipino
  • 中文 (Chinese)
  • English
  • 日本語 (Japanese)
  • Tiếng Việt Nam (Vietnamese)
Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Home
  • Nilalaman
    • Anunsyo
    • Edukasyon
    • Kaligtasan
    • Kalusugan
    • Karera
    • Kultura at Libangan
    • Paninirahan
  • Seminar at mga events
  • Video (Fl)
    • Alamin ang Mie
    • Araw-araw na Pamumuhay at Batas
    • Edukasyon
    • Impormasyon
    • Kalusugan
    • Kultura at Libangan
    • Kurso tungkol sa kalamidad
    • Tanggapan ng Impormasyon
  • Alamin ang Mie
    • Alamin ang Mie
  • Tungkol sa kalamidad

Mahalagang Mensahe mula sa Gobernador ng Mie tungkol sa New Coronavirus

2021/03/03 Miyerkules Mie Info Coronavirus, Impormasyon
新型コロナウイルス感染症に係る三重県知事からの大切なお知らせ


PortuguêsEspañolFilipino中文English日本語Tiếng Việt Nam


Ako si SUZUKI Eikei, Gobernador ng Mie Prefecture.

Bilang isang hakbang sa pag-iwas sa nakakahawang sakit na Covid-19, magsasalita ako na suot ang aking face mask.

Nasa taong 2021 na ngunit nananatiling malubha pa din ang sitwasyon sanhi ng dumaraming bilang ng mga taong nahawahan ng coronavirus.

Alam kong maraming mga dayuhang residente ang apektado at ang ilan ay naghihirap ngayon, nakakaramdam ng pagkabalisa at pag-aalala dahil hindi sila makabalik sa kanilang sariling bansa upang makita ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Ang mga paunang sintomas ng COVID-19 ay maaaring makaramdam tulad ng isang regular na trangkaso. Gayunpaman, ito ay isang virus na may mataas na rate ng kontaminasyon, napakapanganib at maaaring maging sanhi ng mas seryosong sintomas. Kung nahawaan ka ng sakit, ang mga malapit sa inyo ay dapat ding i-isolate. Nakakaapekto ito sa pamumuhay ng marami na nahaharap sa pagkonti ng kita dahil hindi sila nakapagtrabaho.

Bilang gobernador ng Mie, nais kong humingi ng tatlong kahilingan sa inyo. Mangyaring pakinggan ang mga kahilingang ito upang magkasama nating masugpo ang krisis na ito.

Una, hinihimok ko ang lahat na sumunod sa mga hakbang sa pag-iingat.

Iwasan ang masisikip na lugar na may mahinang bentilasbentilasyoing tao as masikip nalugar at mga sitwasyon kung saan hindi maiiwasan ang malapit na pag-uusap sa pagitan ng ibang tao. Iwasang makipagkita sa madaming tao na hindi kasama sa inyong tinitirhan kahit na sila ay iyong mga kaibigan o miyembro ng pamilya. Halimbawa, huwag magtipon ng higit sa 5 katao upang lumabas at kumain ng sama-sama.

Magsuot ng face mask hangga’t maaari. Lalo na sa mga panahon ng pahinga sa trabaho, kapag makikipagpalitan ng lugar sa ibang tao at kapag nakikipag-usap sa panahon ng pagkain. Palaging hugasan nang lubusan ang iyong mga kamay at magdisimpekta gamit ang alkohol.

Ingatan ang iyong kalusugan. Magpahinga kapag masama ang pakiramdam. Magpahinga mula sa trabaho o paaralan at humingi ng payo sa doktor.

Pangalawa, hinihiling ko sa mga tao na nagpositibo sa COVID-19 na sundin ang mga alituntunin.

Kung nagpositibo ka sa COVID-19, huwag umalis ng inyong bahay hanggang malaman ang lugar ng iyong paggagamutan. Magsuot ng face mask kahit sa loob ng bahay, subukang manatili sa isang nakahiwalay na silid at iwasan ang direktang pakikipag-ugnayan sa ibang mga residente. Kung kailangan mong lumabas upang gumawa ng mga pagsasaayos para sa pagpasok, hilingin sa ibang tao na hindi nakatira sa iyong tirahan na pumunta para sayo.

Isang opisyal mula sa Department of Public Health (hoken-jo) ang magtatanong sa iyo tungkol sa iyong mga sintomas at kasaysayan ng mga lugar na iyong napuntahan. Ang pagsisiyasat na ito ay napakahalaga hindi lamang para sa iyong paggaling ngunit upang maprotektahan din ang mga tao sa paligid mo. Kung hindi ka nakakaintindi ng Japanese, susubukan naming magbigay ng assistance sa inyong wika. Mangyaring sagutin ang mga katanungan ng tapat, dahil ang kawani ng Department of Health ay hindi ka naman papagalitan o huhusgahan sa anumang paraan.

At ang huli sa lahat, hinihiling ko ang kooperasyon ng lahat kung sakaling may mga nahawahan sa inyong social circle.

Susuriin ng Department of Public Health ang kada kaso at matutukoy kung ikaw ay isang tao na may “contact” o naging “close contact ” sa isang pasyente. Makikipag-ugnayan sila sa iyo kung kailangan mo ding kumuha ng test, kaya’t mangyaring sundin ang mga tagubilin.

Maaari kang umalis ng inyong bahay kung natukoy ng Department of Health na hindi ka nagkaroon ng malapit na pakikipag-ugnay sa isang taong nahawahan. Ngunit kahit na iyon ang kaso, patuloy na alagaan ang iyong kalusugan at sumunod sa mga hakbang sa pag-iwas.

Bilang isang hakbang sa pag-iwas, inirerekumenda na iwasan ang pagbisita sa mga pasyente ng COVID-19. Ngunit kung kailangan mong bisitahin ang isang pasyente, sundin ang mga inirekumendang hakbang sa lugar ng ospital.

Sa madaling salita, hinihiling ko para sa pagsunod ng lahat sa mga hakbang ng pag-iiwas at sundin ang mga alituntunin kung nahawahan ka ng COVID-19 o kapag ang taong malapit sa inyo ay nahawahan ng virus.

Ang pamahalaang panlalawigan ng Mie ay nagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang wakasan ang pandemikong ito sa lalong madaling panahon at upang maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan.

Nakatuon kami sa pagbibigay ng impormasyon, panggagamot at lahat ng kinakailangang suporta sa mga dayuhang mamamayan. Gayunpaman, mahalaga na ang bawat isa sa atin ay dapat gampanan ang tungkulin sa paglaban sa pandemikong ito. Samakatuwid, nais kong sundin ninyo ang 3 na mga kahilingang na sinabi ko ngayon.

Maraming salamat po.


  • tweet
Ang bilang ng mga dayuhang residente sa prefecture ay bumaba sa 54,854 (- 0,6% noong nakaraang taon) Impormasyon Tungkol sa Coronavirus Vaccination

Related Articles
  • 外国人向けの新型コロナウイルスワクチン相談電話
    Linya ng Telepono para sa mga Katanungan Tungkol sa Bakuna Laban sa Coronavirus para sa mga Dayuhan

    2021/04/19 Lunes

  • 令和3年度高等学校卒業程度認定試験
    [2021-R03] Highschool Graduate Certification Test

    2021/04/15 Huwebes

  • (2021年4月)県営住宅の定期募集
    (April/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

    2021/04/11 Linggo

  • 三重県交通安全条例が制定されました
    Itinatag na ang Ordinansa para sa Kaligtasan ng Trapiko ng Mie Prefecture

    2021/04/07 Miyerkules

More in this Category
  • 外国人向けの新型コロナウイルスワクチン相談電話
    Linya ng Telepono para sa mga Katanungan Tungkol sa Bakuna Laban sa Coronavirus para sa mga Dayuhan

    2021/04/19 Lunes

  • 三重県新型コロナウイルス「緊急警戒宣言」を解除します
    Tinanggal na sa State of Emergency alert ang Mie

    2021/03/10 Miyerkules

  • 新型コロナウイルスのワクチン接種について
    Impormasyon Tungkol sa Coronavirus Vaccination

    2021/02/12 Biyernes

  • 【重要】三重県新型コロナウイルス「緊急警戒宣言」を延長します(2021年3月7日まで)
    MAHALAGA! Ang State of Emergency Alert sa Mie ay pinalawak hanggang Marso 7, 2021

    2021/02/05 Biyernes


Seminar at mga events

  • (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente
    (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

    2021/01/18 Lunes

  • Mga Importanteng Konsultasyon sa MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente sa Mie, sa Pagitan ng Enero at Marso 2021
    Mga Importanteng Konsultasyon sa MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente sa Mie, sa Pagitan ng Enero at Marso 2021

    2020/12/10 Huwebes

  • 2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna
    2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna

    2020/08/05 Miyerkules

  • Mga Patnubay para sa Konsultasyon at Examination Para sa Bagong Coronavirus Infectious Disease
    Mga Patnubay para sa Konsultasyon at Examination Para sa Bagong Coronavirus Infectious Disease

    2020/07/30 Huwebes

Alamin ang Mie

  • Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato
    Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato

    2017/02/07 Martes

  • Alamin ang Mie: Matsusaka City
    Alamin ang Mie: Matsusaka City

    2019/06/18 Martes

  • Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~
    Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~

    2018/02/14 Miyerkules

  • Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie
    Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie

    2015/04/21 Martes

Nilalaman

  • Linya ng Telepono para sa mga Katanungan Tungkol sa Bakuna Laban sa Coronavirus para sa mga Dayuhan
    Linya ng Telepono para sa mga Katanungan Tungkol sa Bakuna Laban sa Coronavirus para sa mga Dayuhan

    2021/04/19 Lunes

  • [2021-R03] Highschool Graduate Certification Test
    [2021-R03] Highschool Graduate Certification Test

    2021/04/15 Huwebes

  • (April/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura
    (April/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

    2021/04/11 Linggo

  • Itinatag na ang Ordinansa para sa Kaligtasan ng Trapiko ng Mie Prefecture
    Itinatag na ang Ordinansa para sa Kaligtasan ng Trapiko ng Mie Prefecture

    2021/04/07 Miyerkules

Copyright - Mie Info Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Tungkol sa Mie Info
  • Makipag-ugnayan sa amin
  • Patakaran ng Website