Magbubukas na ang Prefectural Mass Vaccination Sites pra sa Moderna / Takeda vaccine

武田/モデルナ社ワクチンによる県営の集団接種会場を開設します

2021/09/09 Huwebes Anunsyo, Coronavirus

Ang Moderna / Takeda’s Covid-19 vaccine mass vaccination ay magsisimula sa Setyembre 25, 2021 (Sabado).

Vaccination sites

  • Tsukki Dome (ツッキードーム)
    Address: Tsu-shi Fujikata 637
  • Yokkaichi-shi Sogo Taiikukan
    Address: Yokkaichi-shi Hinaga Higashi 1-3-21

* Sa parehong lokasyon, magkakaromayroong mga sign language translators at interpreters para sa Portuguese at Spanish.

Mga taong maaaring mabakunahan

Para sa mga residente ng prefecture na mayroong mga vaccination ticket (sesshuken – 接種 券) na ipinadala ng munisipyo kung saan sila nakatira, at naaangkop sa isa sa mga sumusunod na item.

  1. Mga hindi pa nakatanggap ng pangalawang dose ng bakuna mula sa Moderna / Takeda (mga tao na pagkatapos matanggap ang unang dose sa ibang bansa o sa ibang prefecture ay bumalik sa Mie, atbp.)
  2. Mga buntis at miyembro ng pamilya na nakatira sa iisang bahay.
  3. Mga 12 years old pataas

Mga petsa at kapasidad ng vaccination

Tsukki Dome

First dose Second dose
September 25 (Sabado) October 23  (Sabado)
September 26  (Linggo) October 24 (Linggo)
October 2 (Sabado) October 30 (Sabado)
October 3 (Linggo) October 31 (Linggo)
October 9 (Sabado) November 6 (Sabado)
October 10 (Sabado) November 7 (Sabado)

Horas ng Vaccination:

  1. Simula 9am hanggang 12pm
  2. Simula 1:30pm hanggang 5pm

Makakapagpa-reserve sa loob ng 15 minutos.

Kapasidad: 700 katao kada araw (Kinakilangan ng advance reservation)

Yokkaichi-shi Sogo Taiikukan

First dose Second dose
September 25 (Saturday) October 23  (Saturday)
September 26  (Sunday) October 24 (Sunday)
October 2 (Saturday) October 30 (Saturday)
October 3 (Sunday) October 31 (Sunday)

Horas ng Vaccination:

  1. Simula 9am hanggang 12pm
  2. Simula 1:30pm hanggang 5pm

Makakapagpa-reserve sa loob ng 15 minutos.

Kapasidad: 1000 katao kada araw (Kinakilangan ng advance reservation)

Agwat sa pagitan ng mga doses ng bakuna

Kakailanganin mong maghintay ng 4 na linggo pagkatapos matanggap ang unang doses upang makuha ang pangalawa.  Hindi posible na piliin ang araw ng pangalawang doses.

Paano magpa-reserba

Ang mga pagpapareserba ay maaaring gawin sa pamamagitan ng telepono o sa website

  1. [WEBSITE] Mie Shingata Coronavirus Vacine Sesshu Portal Site (24-hours reservation): https://covid19-vaccine.mie.jp/
  2. [Sa telepono] Mie Shingata Coronavirus Vacine Sesshu Hotline (simula 9am hanggang 9pm araw-araw): 059-224-2825 (as wikang Japanese lamang)
  3. [Sa telepono] Kung nais mo ng assistance sa ibang mga wika (Portuguese, Spanish, Filipino, Vietnamese, Chinese, English), mangyaring tawagan ang Mie Gaikokujin Corona Vacine Soudan Dial: 080-3123-9173 (Linggo hanggang Biyernes, 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon)

Simula ng reservations

Kapag naaangkop sa items 1 at 2 ng “Mga taong maaaring mabakunahan”, ang reservations ay maaaring gawin mula 9:00 am ng September 13th (Lunes).

ng “Mga taong maaaring mabakunahan”, ang reservations ay maaaring gawin mula 9:00 am ng September 17th (Biyernes).

Makipag-ugnayan sa

Mie Shingata Coronavirus Vacine Sesshu Hotline (みえ新型コロナウイルスワクチン接種ホットライン)

059-224-2825 (sa wikang  Japanese lamang)

“Mie Treasure Market Free Shipping Campaign”

2021/09/09 Huwebes Anunsyo, Coronavirus

「三重のお宝マーケット 送料無料キャンペーン」実施中です!

Isang magandang pagkakataon upang makabili ng mga produkto mula sa mga negosyo ng Mie Prefecture sa napaka-murang presyo!

Dahil sa coronavirus pandemic, ang mga aktibidad sa ekonomiya ay halos hindi na dumadaloy.  Dahil sa pagkansela ng mga events at pagbagsak ng mga bilang ng turista, nawalan ng pwesto ang kanilang mga produktong buong puso nilang ginagawa at ipinamamahagi sa mga dealers ng Mie.

Noong Mayo 2021, ang online shopping portal site para sa mga produkto ng Mie,  “All Mie! Zenryoku Shien Saito – Mie no Otakara Market” (オール三重!全力応援サイト『三重のお宝マーケット』), ay nilikha upang mapalakas ang mga benta at pamamahagi ng mga produkto sa Mie.

Para sa mga hindi makabalik sa Mie o nais na maglakbay sa rehiyon, ngunit hindi posible, may mga hanay ng mga produkto ang Mie na tiyak magugustuhan ninyo.

Hanggang Setyembre 23, 2021, ang site ay mayroong  libreng campaign para sa delivery.  Kunin ang pagkakataong ito upang magamit, regaluhan at masiyahan sa mga produkto ng Mie, at suportahan ang mga lokal na mga producers.

  1. Free shipping campaign period

Agosto 9 (Lunes) hanggang Setyembre 23, 2021 (Huwebes)

  1. Mga produkto na may Free shipping

Upang makita ang mga espesyal na hanay ng kampanya, bisitahin ang espesyal na pahina sa website ng “Mie no Otakara Market”  i-click dito.

Sa panahon ng campaign period, maraming mga produkto ang maidaragdag sa promosyon.

Makipag-ugnayan sa

Mie-ken Koyo Keizai-bu Mieken Eigyo Honbu Tanto-ka Eigyo Suishin-han (三重県 雇用経済部 三重県営業本部担当課 営業推進班)

TEL: 059-224-2386 (sa wikang Japanese lamang)