“Panahon ng Pag-prioridad para sa Pag-iwas sa Pag-rebound ng Coronavirus Infection Cases sa Mie Prefecture” Hunyo 21 (Lunes) ~ Hunyo 30 (Miyerkules), 2021

新型コロナウイルス感染症に関する「三重県リバウンド阻止重点期間」 2021年6月21日(月)~6月30日(水)

2021/06/21 Lunes Anunsyo, Coronavirus

Masusing mga hakbang sa pagkontrol sa impeksiyon upang maiwasan ang muling pagkalat ng impeksyon

Ang bilang ng mga bagong kaso ng impeksyon ay patuloy na bumababa.  Gayunpaman, kailangan pa rin ng pag-iingat dahil sa mga pagkakaiba-iba, na may mataas na rate ng kontaminasyon.  Upang tuluyang mapatigil ang virus, ang Mie Prefecture ay papasok sa “Panahon ng Pag-prioridad para sa Pag-iwas sa Pag-rebound ng Coronavirus Infection Cases sa Mie Prefecture” (Mie-ken Rebound Soshi Juten Kikan – 三重県リバウンド阻止重点期間).

[Para as lahat ng restaurants as Yokkaichi]

  • Hinihiling ng prefecture sa mga restaurants sa Yokkaichi na magsara ng 9:00 ng gabi (sarado mula 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga).

Panahon ng ordenansa: Hunyo 21 (Lunes) hanggang Hunyo 30 (Miyerkules)

[Para sa lahat ng mga residente]

  • Maliban sa mga kaso ng pangangailangan para sa pananatili ng pang-araw-araw na pangangailangan, iwasan ang paglalakbay sa ibang mga lalawigan.
  • Pag-aralan ang pangangailangan at kaligtasan ng paglalakbay sa loob ng lalawigan, at iwasan ang masikip na lugar at rush hours.
  • Kapag kumakain kasama ang mga tao bukod sa mga miyembro ng iyong pamilya, pagkatapos kumain ay unlis agad at hangga’t maari konting tao lang ang kasama.
  • Mag-ingat sa heat stroke, magsuot ng mga mask, mag ventilate ng iyong kapaligiran at gumawa ng mga pangunahing hakbang sa pag-iwas.

[Para sa lahat ng kumpanya]

  • Gumamit ng flexible na shift (rotation ng empleyado), staggered hours ng trabaho, mga online meetings, remote work (work from home) upang mabawasan ang bilang ng mga empleyado na pisikal na dumadalo ng 50%.
  • Para sa mga restaurants, gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga impeksyon, tulad ng “pasimulan ang pagsuot ng mask”, “ilagay ang acrylic glass at panatilihin ang distansya sa pagitan ng mga mesa” at “i-ventilate ang kapaligiran”.
  • Gumamit ng “Anshin Mieria”, sistema ng sertipikasyon sa hospitality at safety facility ng Mie.
    https://www.pref.mie.lg.jp/SHINSAN/HP/m0143000186.htm
  • Kahit na sa labas ng oras ng opisina, turuan ang mga empleyado ng tamang paraan upang gugulin ang kanilang mga breaktime o kapag kumakain sa labas, kung paano gamitin ang transportasyon at iba pang mga hakbang, upang maiwasan ang pagtaas ng mga impeksyon.
  • Sundin ang Mga Alituntunin sa Pag-iwas sa Impeksyon.
    https://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/covid19_Guideline.htm
  • Panahon ng Pag-prioridad para sa Pag-iwas sa Pag-rebound ng Coronavirus Infection Cases sa Mie Prefecture (sa wikang Japanese lamang)
    https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000961864.pdf
  • Mga Alituntunin ng Mie bersyon.11 (sa wikang Japanese lamang)
    https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000952962.pdf
  • Impormasyon ng Paraan ng Pag-iwas as Impeksyon (available sa 7 linguwahe)
    https://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/covid19info-jp.htm
  • MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente ng Mie (available sa 11 linguwahe): 080-3300-8077
    https://www.miefweb.org/mieco/
  • Listahan ng suporta para sa mga negosyante

https://www.pref.mie.lg.jp/SHINSAN/HP/p0016400027_00010.htm

https://www.pref.mie.lg.jp/covid19.shtm

Tungkol sa Coronavirus Mutations

2021/06/21 Lunes Anunsyo, Coronavirus

新型コロナウイルスの変異について

Karaniwang unti-unting nagmu-mutate ang mga virus habang dumarami at kumakalat.  Ang pangunahing istraktura ng coronavirus ay pinaniniwalaang nagmu-mutate sa isang rate ng halos isang site sa loob ng dalawang linggo.  Sa kasalukuyan, ang mga bagong mutant strain ay nakumpirma sa buong mundo.

Ayon sa mga dalubhasa, iminungkahi na ang B.1.1.7 strain (alpha strain) at ang B.1.617 strain (delta strain) ay maaaring mas nakakahawa kaysa sa mga unang strain ng virus.

Anuman ang mutant strain ay dapat nating ipagpatuloy ang paggawa ng mga hakbang upang labanan ang coronavirus tulad ng pag-iwas sa masikip, sarado at walang maayos na ventilation na mga lugar, bilang karagdagan sa 5 sitwasyon na nagdaragdag ng panganib (ng kontaminasyon), ang pag suot ng facemask, paghuhugas ng kamay, atbp.  ay nananatiling mabisa.  Hinihiling ng gobyerno ng Mie ang kooperasyon ng mamamayan sa pag-iwas sa virus.

Tingnan ang “5 mga sitwasyon” na nagdaragdag ng peligro ng impeksyon ng coronavirus sa ibaba.

  1. Mga party kung saan maraming tao ang magkakasamang umiinom at kumain, atbp.
  2. Pag-inom ng alak o pagkain kasama ang maraming tao ng mahabang panahon
  3. Nakikipag-chat nang hindi nagsusuot ng mask
  4. Magkasama na nakatira sa masikip na bahay
  5. Mga pagbabago sa lokasyon