Sa lahat ng uuwi o muling papasok sa Japan 日本へ帰国、再入国する皆さんへ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2021/06/24 Huwebes Anunsyo, Coronavirus Upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus, kinakailangang obserbahan ang mga sumusunod na item kapag pumapasok sa Japan mula sa ibang bansa, anuman ang nasyonalidad Kinakailangan na ipakita ang “sertipiko ng resulta ng pagsubok na ginawa sa loob ng 72 oras ng pagpasok” sa Quarantine Station (Ken’eki-jo 検疫所). Pagpasok sa Japan, kakailanganin mong maghintay sa isa sa mga hotel sa Quarantine Station at magpa-test. Ang mga sumusunod ay ang mga pangako: Kung lumalabag ka sa pangako, ang iyong pangalan at nasyonalidad ay maaaring ihayag sa publiko. Sa ilang mga kaso, ang status o residency ay maaaring kanselahin at ang tao ay maaaring ma-deport. Huwag gumamit ng pampublikong sasakyan sa loob ng 14 na araw Manatili at magpahinga sa loob ng iyong tahanan I-save at ipakita ang iyong data ng lokasyon I-install ang contact app Upang matupad ang mga pangako, kakailanganin mo ang isang smartphone na maaaring gumamit ng mga app upang ipakita ang iyong data sa lokasyon. Kung wala kang smartphone, magrenta at magbayad para sa isang smartphone sa iyong paliparan bago pumasok sa bansa. Isulat ang iyong numero ng telepono at email address at iba pang data sa questionnaire upang ang mga awtoridad ay maaaring magtanong tungkol sa iyong katayuan sa kalusugan sa loob ng 14 na araw ng pagpasok. Suriin ang kamakailang impormasyon at iba pang mga detalye sa Homepage ng Ministry of Health, Labor and Welfare (MHLW). Ministry of Health, Labor and Welfare (MHLW) Homepage – Tungkol sa mga bagong alituntunin para sa mga hakbang sa pag-iingat (Mizugiwa Taisaku ni Kakaru Aratana Sochi ni Tsuite – 厚生労働省ホームページ 水際対策に係る新たな措置について) https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000121431_00209.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « “Panahon ng Pag-prioridad para sa Pag-iwas sa Pag-rebound ng Coronavirus Infection Cases sa Mie Prefecture” Hunyo 21 (Lunes) ~ Hunyo 30 (Miyerkules), 2021 Mga pagbabago sa petsa ng holiday sa taong 2021 dahil sa Tokyo Olympics » ↑↑ Next Information ↑↑ “Panahon ng Pag-prioridad para sa Pag-iwas sa Pag-rebound ng Coronavirus Infection Cases sa Mie Prefecture” Hunyo 21 (Lunes) ~ Hunyo 30 (Miyerkules), 2021 2021/06/24 Huwebes Anunsyo, Coronavirus 新型コロナウイルス感染症に関する「三重県リバウンド阻止重点期間」 2021年6月21日(月)~6月30日(水) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Masusing mga hakbang sa pagkontrol sa impeksiyon upang maiwasan ang muling pagkalat ng impeksyon Ang bilang ng mga bagong kaso ng impeksyon ay patuloy na bumababa. Gayunpaman, kailangan pa rin ng pag-iingat dahil sa mga pagkakaiba-iba, na may mataas na rate ng kontaminasyon. Upang tuluyang mapatigil ang virus, ang Mie Prefecture ay papasok sa “Panahon ng Pag-prioridad para sa Pag-iwas sa Pag-rebound ng Coronavirus Infection Cases sa Mie Prefecture” (Mie-ken Rebound Soshi Juten Kikan – 三重県リバウンド阻止重点期間). [Para as lahat ng restaurants as Yokkaichi] Hinihiling ng prefecture sa mga restaurants sa Yokkaichi na magsara ng 9:00 ng gabi (sarado mula 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga). Panahon ng ordenansa: Hunyo 21 (Lunes) hanggang Hunyo 30 (Miyerkules) [Para sa lahat ng mga residente] Maliban sa mga kaso ng pangangailangan para sa pananatili ng pang-araw-araw na pangangailangan, iwasan ang paglalakbay sa ibang mga lalawigan. Pag-aralan ang pangangailangan at kaligtasan ng paglalakbay sa loob ng lalawigan, at iwasan ang masikip na lugar at rush hours. Kapag kumakain kasama ang mga tao bukod sa mga miyembro ng iyong pamilya, pagkatapos kumain ay unlis agad at hangga’t maari konting tao lang ang kasama. Mag-ingat sa heat stroke, magsuot ng mga mask, mag ventilate ng iyong kapaligiran at gumawa ng mga pangunahing hakbang sa pag-iwas. [Para sa lahat ng kumpanya] Gumamit ng flexible na shift (rotation ng empleyado), staggered hours ng trabaho, mga online meetings, remote work (work from home) upang mabawasan ang bilang ng mga empleyado na pisikal na dumadalo ng 50%. Para sa mga restaurants, gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga impeksyon, tulad ng “pasimulan ang pagsuot ng mask”, “ilagay ang acrylic glass at panatilihin ang distansya sa pagitan ng mga mesa” at “i-ventilate ang kapaligiran”. Gumamit ng “Anshin Mieria”, sistema ng sertipikasyon sa hospitality at safety facility ng Mie. https://www.pref.mie.lg.jp/SHINSAN/HP/m0143000186.htm Kahit na sa labas ng oras ng opisina, turuan ang mga empleyado ng tamang paraan upang gugulin ang kanilang mga breaktime o kapag kumakain sa labas, kung paano gamitin ang transportasyon at iba pang mga hakbang, upang maiwasan ang pagtaas ng mga impeksyon. Sundin ang Mga Alituntunin sa Pag-iwas sa Impeksyon. https://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/covid19_Guideline.htm Panahon ng Pag-prioridad para sa Pag-iwas sa Pag-rebound ng Coronavirus Infection Cases sa Mie Prefecture (sa wikang Japanese lamang) https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000961864.pdf Mga Alituntunin ng Mie bersyon.11 (sa wikang Japanese lamang) https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000952962.pdf Impormasyon ng Paraan ng Pag-iwas as Impeksyon (available sa 7 linguwahe) https://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/covid19info-jp.htm MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente ng Mie (available sa 11 linguwahe): 080-3300-8077 https://www.miefweb.org/mieco/ Listahan ng suporta para sa mga negosyante https://www.pref.mie.lg.jp/SHINSAN/HP/p0016400027_00010.htm https://www.pref.mie.lg.jp/covid19.shtm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp