Libreng test sa Covid-19

新型コロナウイルス無料検査のお知らせ

2022/12/22 Huwebes Anunsyo, Coronavirus

Ang mga kinakailangang pagsusuri (PCR test, qualitative antigen test, atbp.) ay inaalok nang walang bayad sa mga residente ng prefecture na nag-aalala tungkol sa mga trend ng pagkalat ng coronavirus.  Ito ay isang anunsyo na nagpapaalam sa iyo ng pagpapalawig ng panahon ng libreng pagsubok.

Panahon ng testing

Bago ang extension: Disyembre 29, 2021 (Miyerkules) hanggang Disyembre 31, 2022 (Sabado)

Bagong Extended na petsa: Disyembre 29, 2021 (Miyerkules) hanggang Enero 31, 2023 (Martes)

Target na tao

Ang mga residente ng Mie na walang sintomas at nag-aalala kung sila ay nahawaan

*Kahit naka ilang beses na makapagvaccinate

Pamamaraan ng testing

  1. Maaaring kailanganin ang maagang pagpapareserba. Makipag-ugnayan sa pasilidad bago mag test.

Ang testing ay magagamit sa 175 medikal na establisimiyento, parmasya at iba pang mga lokasyon (data noong Disyembre 12, Lunes)

PDF file ng mga libreng lokasyon ng testing sa Mie Prefecture (sa wikang Japanese lang)

Tingnan ang mapa ng mga lokasyon

PDF file ng mga libreng lokasyon ng testing na bukas kahit new year holiday (ika-28 ng Disyembre hanggang ika-9 ng Enero) sa wikang Japanese lamang

  1. Punan ang registration form (maaari mo ring punan ito sa lokasyon ng testing center, ngunit ang test ay magiging mas mabilis kung sagutan mo ito nang maaga)

I-click dito upang ma-download ang application form (PDF file)

I-click dito upang ma-download ang application form (Word file)

  1. Ipakita ang iyong identification document sa testing center (driver’s license, MyNumber Card, atbp.)

Pagpapa-alam ng Test result

Ipapa-alam ang resulta ng test sa lugar kung saan ang testing site.

Ang mga sertipiko ng mga negatibong resulta na may diagnosis ng doktor ay hindi ibinibigay.

Ang paraan ng pag-abiso ay nag-iiba-iba sa bawat institusyon, kabilang ang papel, email, apps, atbp.

Ang mga abiso ng mga resulta ng qualitative antigen test ay ibinibigay sa parehong araw, habang ang mga PCR test ay ibibigay sa ibang araw.

Para sa iba pang detalye, tignan ang Mie Prefecture’s homepage (sa wikang Japanese lamang)

Contact

  • Kung nakakaranas ka ng mga problemang nauugnay sa vaccine at/o nangangailangan ng tulong sa pag-pareserve ng vaccination:

Tawagan ang “ Vaccine Consultation Line ng Mie para sa mga Foreigners– Mie Gaikokujin Corona Vaccine Soudan Dial (みえ外国人コロナワクチン相談ダイアル)

TEL: 080-3123-9173

Opening hours: bukas mula Linggo hanggang Biyernes, mula 9am hanggang 5pm

Mga Support Languages: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepalese, Indonesian, Thai at Japanese

  • Kung nahihirapan ka dahil sa coronavirus:

Tawagan ang MieCo, Consultation Center para sa mga dayuhang residente ng Mie

TEL: 080-3300-8077

Mga Support languages: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepalese, Indonesian, Thai at Japanese

Ikalawang Edisyon para sa Pag-promote ng Leisure Experiences sa Mie Prefecture 2023 “Mie no Aso Can ‘22 (dai-3 dan)”

2022/12/22 Huwebes Anunsyo, Coronavirus

遊び体験利用促進キャンペーン「みえのあそキャン22(第3弾)」を実施します

Ang “Mie no Aso Cam ’22 (Dai 2-dan”), ay isang kampanya para sa mga residente ng prefecture na magsaya sa abot-kayang presyo sa mga karanasan sa paglilibang sa mga lugar na inilarawan sa reservation site na “Asobyu” na nagsimula noong Setyembre 22,  2022 (Huwebes).

Campaign period

Nobyembre 22 (Huwebes) hanggang Nobyembre 30, 2022 (Miyerkules)

Contents

  1. Pamamahagi ng mga half-price coupons para sa leisure experiences sa booking site na “Asobyu!”

May 331 na leisure plans na available sa Mie.

  1. “#Mijumaru to Mie de Asobo” (makaranas ng paglilibang kasama si Oshawott “Mijumaru” sa Mie) – Prefectural Excursion Gift Campaign

Kabilang sa 5 lugar ng Mie (Hokusei, Chunansei, Ise Shima, Iga, Higashi Kishu), kung gagamitin mo ang discount coupon para sa 2 o higit pang mga lugar, mapapabilang ka sa 100-person raffle draw ng isang Oshawott photo book.

  1. “#Mijumaru to Mie de Asobo” (Makipaglaro kasama si Oshawott in Mie) – Instagram Campaign

Kumuha ng larawan kasama ang plush doll na nasa mga kalahok na lokasyon ng kaganapan, i-post ito sa Instagram na may hashtag sa Japanese na  (#ミジュマルとみえで遊ぼう#体験施設名) “#MijuMarutoMiedeAsobo at #Nameofthe PlaceYouVisited” upang lumahok sa raffle draw ng mga produkto ng Mie sa pakikipagtulungan ng Oshawott para sa 30 katao.

Para sa iba pang detalye, i- click dito upang makita ang flyer o tignan ang website: https://brand.asoview.com/mieasobi/

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Asobyu Kabushiki Gaisha (アソビュー株式会社)

TEL: 050-3537-8949

Contact Form: https://www.asoview.com/brand/contactsupport/

©2022 Pokémon. ©1995-2022 Nintendo/Creatures Inc./GAME FREAK inc.

Pocket Monster, Pokémon, ポケットモンスター・ポケモン are registered trademarks of Nentendo, Creatures Inc.  and GAME FREAK inc.