Balansehin natin ang pag-iwas sa impeksyon sa coronavirus at pag-iwas sa heat stroke

新型コロナウイルス感染症予防と、熱中症予防を両立させましょう。

2021/07/21 Miyerkules Anunsyo, Coronavirus

Dahil sa mga hakbang sa pag-iwas sa coronavirus, ang paggamit ng mga face mask ay naging isang pangkaraniwang gawain.  Gayunpaman, ang temperatura ay tumataas sa panahon ng tag-init na pinapataas ang peligro ng heat stroke.

Kung wala naman taong malapit sa iyo, pansamantalang tanggalin ang iyong face mask at laging manatiling hydrated.  Mag-ingat sa heatstroke ngunit sabay din na pinapanatili ang mga hakbang sa pag-iingat laban sa coronavirus.

Panatilihin ang iyong kalusugan sa pamamagitan ng pag-iwas sa heat stroke habang pinapanatili ang new normal (Ministry of Environment and Ministry of Health, Labor and Welfare), sa wikang Japanese lang.

Upang maiwasan ang heat stroke, sundin ang mga hakbang na ito sa pag-iwas:

  • Kung ikaw ay higit sa 2 metro ang layo mula sa ibang mga tao sa labas, alisin ang iyong face mask.
  • Kapag nakasuot ng face mask, iwasan ang matinding pag-eehersisyo.
  • Kahit hindi ka nauuhaw, huwag kalimutang manatiling hydrated (ang rekomendasyon ay uminom ng 6 na basong tubig, mga 1.2 litro as isang araw).
  • Kahit na naka-on ang aircon, panatilihing ma-ventilate ang silid (sa karaniwan, ang mga aircon sa bahay ay umiikot lamang panloob ang hangin ngunit hindi nave-ventilate sa loob ng silid).
  • Mag-ehersisyo araw-araw upang mapanatiling malusog ang iyong katawan upang lumkas ang resistensya sa init.

Mga Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Heat stroke

  • Kung ang alerto sa heat stroke ay inisyu, ihinto ang pisikal na pag-eehersisyo at pumunta sa isang presko na lugar (kung ipinahiwatig ng forecast na mayroong mataas na posibilidad ng heat stroke sa mga lugar na may mataas na temperatura, ang alert ng heat stroke ay ilalabas sa umaga ng parehong araw o sa hapon ng nakaraang araw).
  • Halos 80% ng mga namatay mula sa heat stroke ay sa mga matatanda na higit sa 65 taong gulang..
  • Higit sa kalahati ng mga insidente ng heat stroke na nasa edad na 65 pataas ay nangyayari sa bahay.

Ang mga matatandang tao, bata at taong may kapansanan ay madaling kapitan ng heat stroke.  Humihiling ang mga awtoridad ng iyong tulong upang ibahagi ang kaalaman sa lahat tungkol sa heat stroke.

Ang bilang ng mga taong nahawahan sa Covid-19 ay dumarami sa Mie

2021/07/21 Miyerkules Anunsyo, Coronavirus

三重県内で新型コロナウイルスの感染者が増えています!

Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga impeksyon sa mga dayuhan at may mga lahing dayuhan ay tumataas sa Mie, ayon sa data ng huling bahagi ng Hulyo.  At ang mga kaso ng impeksyon sa mga miyembro ng pamilya na nakatira sa iisang bahay ay dumarami din.

Ang virus ay naging isang nakakahawang “mutant strain”.  Ang mga kaso ng impeksyon ay dumarami sa loob ng bahay, lugar na walang maayos na bentilasyon at kulob na mga lugar at kahit na sa labas.

Napakahalaga ang mga gagawing aksyon upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.  Gawin natin ating makakaya upang magkaroon ng isang ligtas na summer.

  1. Huwag dalhin ang virus sa iyong tahanan sa Mie
  • Hangga’t maaari, iwasan ang pagpunta sa mga lugar na laganap ang impeksyon. Mangyaring bawasan ang pakikipag-ugnayan sa mga tao at mag-ingat na huwag dalhin ang virus sa Mie at sa iyong tahanan.
  1. Iwasan ang mga aksyon na maaaring makapagpadala ng virus kung nahawahan at iwasang hindi mahawan
  • Maraming mga tao ang walang mga sintomas kahit na sila ay nahawahan. Kahit na wala kang malinaw na mga sintomas tulad ng ubo o lagnat, laging magsuot ng face mask.  Ang pakipakikipag-usap nang walang suot na face mask ay maaaring makapang hawa ng virus.
  • Huwag kumain o mag barbecue kasama ang maraming tao. Maaari nitong madagdagan ang panganib ng mga impeksyon sa iyong mga kaibigan at pamilya.
  • Kapag kakain sa mga restaurants, pumili ng mga restaurant na nakarehistro sa ilalim ng “Anshin Mieria”, sistema ng sertipikasyon ng hospitality at safety facility ng Mie na sumusunod sa mga patnubay upang mabawasan ang panganib ng impeksyon.
  • Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam, iwasang lumabas. Magpahinga sa bahay at iwasang makipag-ugnayan sa ibang tao.
  1. Ipapakilala namin ang mga nakaraang kaso ng impeksyon, kaya’t mangyaring tingnan ito.
  • Sa isang martial arts school, ang mga mag-aaral ay nagsanay nang hindi nagsusuot ng face mask at 12 na tao ang nahawahan.
  • Dalawang magkakaibang pamilya ang magkasamang kumain nang hindi nagamit ang face mask at hindi sinunod ang social distancing. 8 katao ang nahawahan.
  • Nakipag-usap nang hindi nakasuot ng face mask habang break sa tanghalian sa trabaho
  • Nag-usap ang mag kaibigan nang hindi nakasuot ng face mask sa kotse habang nagbibiyahe.

Tungkol sa vaccine

Mangyaring isaalang-alang ang vaccination matapos malaman ang mga epekto at mga reaksyon ng bakuna.  Kung mayroon kang anumang mga problema sa mga pagpapareserba ng pagbabakuna, mangyaring tawagan ang Mie’s “Coronavirus Vaccine for Foreigners Inquiry Line”  (Mie Gaikokujin Corona Vaccine Soudan Dial – みえ外国人コロナワクチン相談ダイアル): 080-3123-9173.

Ang mga linguwahe ay Japanese, English, Chinese, Korean, Vietnamese, Indonesian, Nepali, Filipino, Thai, Portuguese and Spanish