Mga bagay na dapat gawin kung na-diagnose na may Covid-19

新型コロナウイルス感染症と診断された皆様へ(診断されたらまずすること)

2022/09/21 Miyerkules Anunsyo, Coronavirus

Kung ikaw ay na diagnosed na may coronavirus, sabihin sa iyong mga miyembro ng pamilya ang mga sumusunod na item:

  • Na na-diagnose ka na may coronavirus
  • Na ang mga miyembro ng pamilya ay malamang na nahawahan din at kailangang iwasang lumabas ng bahay

Ipaalam din sa kumpanya kung saan ka nagtatrabaho at sa mga paaralan at day care center na pinapasukan mo o ng mga miyembro ng iyong pamilya.

May iba pang kapaki-pakinabang na impormasyon sa Mie Info na dapat mong malaman kung ikaw ay na diagnosed na may coronavirus

Contact information

  • Kung nahihirapan ka sa pag-book ng vaccine:

Tawagan  ang “Mie Coronavirus Vaccine Inquiry Line para sa mga Dayuhan ” – Mie Gaikokujin Corona Vaccine Soudan Dial (みえ外国人コロナワクチン相談ダイアル)

TEL: 080-3123-9173

Serbisyo: bukas mula Linggo hanggang Biyernes, mula 9 am hanggang 5 pm

Support languages: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese

  • Kung ikaw ay nahihirapan sa coronavirus:

Tawagan ang MieCo, Consultation Center para sa mga dayuhang residente ng Mie

TEL: 080-3300-8077

Serbisyo: bukas mula Linggo hanggang Biyernes, mula 9 am hanggang 5 pm

Support languages: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese.

#visitmie: 1st Autumn Posts Campaign

2022/09/21 Miyerkules Anunsyo, Coronavirus

#visitmie第1回投稿キャンぺーン秋の部を開催します

Ang Mie Prefecture ay magsasagawa ng isang Instagram post campaign ng mga larawan at video na nauugnay sa mga pagbiyahe sa Mie Prefecture sa panahon ng taglagas o autumn.

Upang maipalaganap ang kagandahan ng autumn ng Mie Prefecture sa mundo, hinihiling ng prefecture ang lahat na mag-post ng mga kaugnay na larawan at video ng mga autumn leaves, mga seasonal na prutas, mga seasonal na events, at iba pang mga alaala at pagbiyahe na mararanasan lamang sa taglagas.

Paano sumali

Ilagay ang hashtag na #visitmie sa mga larawan at video na iyong pino-post.

Bilang karagdagan sa mga larawan at video mula sa taong ito, maaari ring isali ang mga video at larawang kinuha sa mga nakaraang taon.

Walang mga limitasyon sa bilang ng mga post bawat tao.

Participation award

Ang pinakamahusay na mga post ay mananalo ng isang espesyal na premyo, at itatampok din sa account ng kampanya at opisyal na website.  Ang resulta ng award ay iaanunsyo sa website: https://www.kankomie.or.jp/special/visitmie

 l-click dito upang makita ang higit pang mga detalye tungkol sa award at ang mga kumpanyang nag-iisponsor

Campaign period

Setyembre 1 (Huwebes) hanggang Nobyembre 30, 2022 (Huwebes)

Makipag-ugnayan

Administrative office email: info-visitmie@kankomie.or.jp (sa wikang Japanese lamang)

* Para sa higit pang mga detalye tungkol sa kumpanya, tingnan ang opisyal na website

https://www.kankomie.or.jp/special/visitmie (sa wikang Japanese lamang)