• Português (Portuguese, Brazil)
  • Español (Spanish)
  • Filipino
  • 中文 (Chinese)
  • English
  • 日本語 (Japanese)
  • Tiếng Việt Nam (Vietnamese)
Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Home
  • Nilalaman
    • Anunsyo
    • Edukasyon
    • Kaligtasan
    • Kalusugan
    • Karera
    • Kultura at Libangan
    • Paninirahan
  • Seminar at mga events
  • Video (Fl)
    • Alamin ang Mie
    • Araw-araw na Pamumuhay at Batas
    • Edukasyon
    • Impormasyon
    • Kalusugan
    • Kultura at Libangan
    • Kurso tungkol sa kalamidad
    • Tanggapan ng Impormasyon
  • Alamin ang Mie
    • Alamin ang Mie
  • Tungkol sa kalamidad

Pakiusap Upang Sundin ang Alituntunin Upang Maiwasan ang Impeksyon ng Coronavirus para sa Year-end at New Year Holiday

2020/12/23 Miyerkules Mie Info Anunsyo, Coronavirus
年末年始に向けた新型コロナウイルス感染防止対策徹底のお願い


PortuguêsEspañolFilipino中文English日本語Tiếng Việt Nam


Simula sa tatlong lalawigan ng Tokai, Mie, Aichi at Gifuo, maraming mga kaso ng coronavirus ang nakarehistro sa buong bansa. Humihiling ang mga awtoridad ng kooperasyon ng lahat para sa masusing pag-iingat at upang mapanatili ang maximum na alerto ngayong kapaskuhan ng Bagong Taon.

  1. Mag ingat sa pag biyahe sa mga probinsya
  • Maraming mga tao ang naglalakbay sa paligid ng mga holiday at ng Bagong Taon, kaya subukang baguhin ang petsa ng iyong paglalakbay sa ibang mga lalawigan.
  • Iwasang pumunta sa ibang mga lalawigan sa pagitan ng Disyembre 28, 2020 at Enero 11, 2021
  1. Magkaroon ng kamalayan sa 5 mga sitwasyong ito na maaaring madagdagan ang peligro ng kontaminasyon
  • Kung umiinom ka ng alak, nakikipag-usap o kumakain kasama ng iba
  • Kung gugugol ka ng maraming oras sa pagkain at pag-inom sa presensya ng maraming tao
  • Kung magsasalita ka nang hindi nagsusuot ng mask
  • Kung nakatira ka sa ibang mga tao sa masikip na apartment
  • Kung lumilipat ka sa pagitan ng iba’t ibang mga lokasyon

Sources:

Government Office homepage: https://corona.go.jp/tl/

Japan Immigration Services Agency homepage: http://www.moj.go.jp/isa/content/930006297.pdf

  1. Sundin ang mga hakbang sa pag-iwas sa iyong pagbalik sa probinsya kung saan ka nakatira
  • Isaalang-alang ang pagbabago ng petsa na babalik ka
  • Dalawang linggo bago ka bumalik, alagaan ang iyong pisikal na kalagayan at iwasan ang mga aksyon na maaaring dagdagan ang panganib ng impeksyon
  • Iwasang bumalik kung masama ang pakiramdam
  • Ipaalam sa mga miyembro ng pamilya at malapit na tao ang mga item na nabanggit sa itaas
  1. Iwasan ang mga party tulad ng “Shin-nenkai” at “Bonen-kai”
  • Maging maingat kapag kasama mo ang mga kamag-anak pati na rin ang mga meetings sa mga kaibigan at katrabaho

< Mga halimbawa ng mga item na nangangailangan ng pansin >

1 – Kung may sakit ka, huwag lumahok sa mga pagdiriwang o pagtitipon

2 – Makipagkita sa mga kaibigan ng maikling panahon at bilang lang na mga tao hangga’t maaari

3 – Mag-ingat sa dami ng iinuming alkohol

4 – Umupo pahilis, pag-iwas sa mga upuan sa harap o sa tabi ng iba

5 – Iwasang maki share ng mga plato at kubyertos

6 – atbp.

Mayroong mga contagion outbreaks (kumpol) sa mga restaurant. Kapag pumunta ka sa lokasyon na may pinaikling oras ng pagbubukas, suriin ang mga alituntunin ng rehiyon at mag-ingat nang mabuti.

  1. Sundin ang mga alituntunin ng preventive measures sa mga seasonal events
  • Kung sasali ka sa mga pana-panahong kaganapan (Pasko, Bisperas ng Bagong Taon, Bagong Taon, unang pagbisita sa mga templo, bukod sa iba pa), lumayo sa ibang mga tao, magsusuot ng maskara, huwag magsalita ng malakas, iwasan ang pag-inom ng alak at iba pa masusing mga hakbang sa pag-iingat. Kung hindi mo maipatupad ang mga hakbang sa pag-iingat, huwag lumahok.
  1. Panatilihin ang iyong kaalaman tungkol sa mga pangunahing hakbang sa pag-iingat upang maipatupad ang mga ito
  • Mahalaga para sa lahat na gumawa ng mga hakbang sa pag-iingat. Sundin ang mga pangunahing hakbang sa pag-iwas, tulad ng pagsusuot ng maskara, paghuhugas ng kamay, paglilinis ng mga kamay at daliri, pag-iingat sa distansya mula sa mga tao, atbp.
  • i click dito upang matingnan ang mga pangunahing hakbang sa pag-iwas (Mie prefecture website sa madaling Japanese tungkol sa bagong coronavirus
  1. Igalang ang mga karapatang pantao na kaugnay sa coronavirus pandemic
  • Huwag kailanman diskriminahin ang mga taong nahawahan o nahawahan ang mga pangkat, o mga taong bumalik sa kanilang mga bahay pagkatapos maglakbay.
  • Huwag kailanman gumawa ng diskriminasyon o pagtatangi batay sa mga social network, tsismis o fake News

Tingnan dito ang pinagsamang mensahe mula sa mga alkalde ng Aichi, Gifu at Mie na inilathala noong Disyembre 15 (sa wikang Hapon lamang).

I-click dito upang makita ang pahina ng Impormasyon ng Mie sa coronavirus.

Kung nakakaranas ka ng mga paghihirap dahil sa bagong coronavirus, kumunsulta sa MieCo, Consultation Center for Foreign Residents in Mie

Tel: 080-3300-8077 (assistance sa ibat ibang linguwahe)

Monday hanggang Friday (except holidays), mula 9 am hanggang 5 pm

* Sarado tuwing Saturdays, Sundays, holidays at tuwing December 29th at January 3rd.


  • tweet
(Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura Ang MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente ng Mie, ay magsasagawa ng espesyal na job seminar

Related Articles
  • 外国人生活支援ポータルサイトについて
    Portal ng Pang-araw-araw na Suporta sa pamumuhay para sa mga Dayuhan

    2021/01/25 Lunes

  • 三重県立津高等技術学校 金属成形科 2021年度 前期入校生の募集
    Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – Maagang termino ng 2021

    2021/01/21 Huwebes

  • 2021年外国人住民向けの消費者被害防止研修会の参加者を募集します
    (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

    2021/01/18 Lunes

  • 【重要】三重県新型コロナウイルス緊急警戒宣言(2021年1月14日)
    PAALA-ALA! Pagdeklara ng State of Emergency Alert sa Mie noong Enero 14, 2021

    2021/01/15 Biyernes

More in this Category
  • 外国人生活支援ポータルサイトについて
    Portal ng Pang-araw-araw na Suporta sa pamumuhay para sa mga Dayuhan

    2021/01/25 Lunes

  • 三重県立津高等技術学校 金属成形科 2021年度 前期入校生の募集
    Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – Maagang termino ng 2021

    2021/01/21 Huwebes

  • 2021年外国人住民向けの消費者被害防止研修会の参加者を募集します
    (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

    2021/01/18 Lunes

  • 【重要】三重県新型コロナウイルス緊急警戒宣言(2021年1月14日)
    PAALA-ALA! Pagdeklara ng State of Emergency Alert sa Mie noong Enero 14, 2021

    2021/01/15 Biyernes


Seminar at mga events

  • (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente
    (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

    2021/01/18 Lunes

  • Mga Importanteng Konsultasyon sa MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente sa Mie, sa Pagitan ng Enero at Marso 2021
    Mga Importanteng Konsultasyon sa MieCo, Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente sa Mie, sa Pagitan ng Enero at Marso 2021

    2020/12/10 Huwebes

  • 2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna
    2020 Training Course para sa Multilingual Supporter sa Panahon ng Sakuna

    2020/08/05 Miyerkules

  • Mga Patnubay para sa Konsultasyon at Examination Para sa Bagong Coronavirus Infectious Disease
    Mga Patnubay para sa Konsultasyon at Examination Para sa Bagong Coronavirus Infectious Disease

    2020/07/30 Huwebes

Alamin ang Mie

  • Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~
    Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~

    2018/02/14 Miyerkules

  • Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie
    Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie

    2015/04/21 Martes

  • Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato
    Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato

    2017/02/07 Martes

  • Alamin ang Mie: Matsusaka City
    Alamin ang Mie: Matsusaka City

    2019/06/18 Martes

Nilalaman

  • Portal ng Pang-araw-araw na Suporta sa pamumuhay para sa mga Dayuhan
    Portal ng Pang-araw-araw na Suporta sa pamumuhay para sa mga Dayuhan

    2021/01/25 Lunes

  • Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – Maagang termino ng 2021
    Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – Maagang termino ng 2021

    2021/01/21 Huwebes

  • (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente
    (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

    2021/01/18 Lunes

  • (Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura
    (Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

    2021/01/08 Biyernes

Copyright - Mie Info Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Tungkol sa Mie Info
  • Makipag-ugnayan sa amin
  • Patakaran ng Website