2022 Travel discount na “Mie-toku Travel Coupon” ika-2 edisyon

旅行割引「みえ得トラベルクーポン」2022年第2弾を実施します

2022/05/10 Tuesday Anunsyo, Kultura at Libangan

Isasagawa ng Mie Prefecture ang ika-2 edisyon ng 2022 Travel discount na “Mie-toku Travel Coupon”, upang mabigyan ng discount ang presyo ng travel kapag namamasyal sa loob ng Prefecture para sa lahat ng residente ng prefecture.

Upang magamit ang coupon sa pagkakataong ito, kakailanganing ipakita ang “history ng pagbabakuna (ika-3 dose)” o isang “negatibong resulta ng test sa coronavirus” na valid sa araw ng pag-alis.

Kung lumala ang sitwasyon ng coronavirus sa Mie Prefecture, maaaring magpataw ng limitasyon sa paggamit ng mga coupon, o kahit na pagkansela/pagpapaliban ng mga serbisyong nauugnay sa coupon.

  1. Target na mga tao

Mga residente ng Mie Prefecture (kailangan mong magpakita ng “history ng pagbabakuna (ika-3 doses)” o isang “negatibong resulta ng test sa coronavirus” sa araw ng pag-alis).

*Para lamang sa mga biyahe na ang mga destinasyon ng pag-alis at pagdating ay nasa loob ng Mie Prefecture.

  1. Online registration

Halimbawa ng isa sa mga coupon: ¥15,000 para sa mga booking ng 3 o higit pang adults (kabuuang tax-inclusive stay ay dapat na higit sa ¥30,000)

Halimbawa ng isa sa mga coupon: ¥5,000 na discount coupon sa pagbili ng mga produktong tuwing travel na nagkakahalaga ng higit sa ¥10,000 bawat araw para sa bawat tao

  1. Validity period at iba pang impormasyon

Mayo 9 (Lunes) hanggang Mayo 31, 2022

Valid para sa mga checkout na ginawa hanggang Hunyo 1 (Miyerkules) sa mga accommodation

May bisa hanggang Mayo 31 (Martes) para sa parehong araw na round-trip na travel (walang accommodation).

  1. Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-toku Travel Coupon Jimukyoku (sa wikang Japanese lamang)

TEL: 050-3644-3575

Mula 9 am hanggang 6 pm tuwing weekday

Para sa mga detalye sa iba pang impormasyon, kabilang ang “Mie-toku Travel Chiiki Ouen Coupon”, mangyaring bisitahin ang homepage ng Mie prefecture sa pamamagitan ng  pag-click dito.

Manamie: Pang-gabing klase sa Mie 2022 (Reiwa 4) – Ang schedule para sa first semester ay nakumpirma na

2022/05/10 Tuesday Anunsyo, Kultura at Libangan

令和4年度みえ夜間学級体験教室「まなみえ」を開催します(1学期の授業の日程が決まりました)

Kung hindi mo nagawang tapusin ang iyong pag-aaral sa junior high school dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan at nais na “makapag-aral”, mangyaring mag-apply.

  1. Period
  • First semester: Abril 25 (Lunes) hanggang Hulyo 7, 2022 (Huwebes)

Tuwing Lunes, Martes at Huwebes (kabuuan ng 30 classes), maliban tuwing holiday

  • Second semester: simula ng Setyembre hanggang kalagitnaan ng Oktubre 2022

Tuwing Lunes, Martes at Huwebes (kabuuan ng 20 classes), maliban tuwing holiday

  1. Oras: 6pm hanggang 8:25pm

Basic learning: 6pm hanggang 6:10pm

First class: 6:10pm hanggang 6:50pm

Second class: 6:55pm hanggang 7:35 pm

Third class: 7:40pm hanggang 8:20pm

Closing: 8:20pm hanggang 8:25pm

  1. Lugar
  • Classes sa Tsu

Mie Education Center (Mie-ken Sogo Kyouiku Center (Mie-ken Sogo Kyouiku Center – 三重県総合教育センター): Tsu-shi Otani-cho 12

  • Classes sa Yokkaichi

Hokusei High School (Miekenritsu Hokusei Koto Gakko – 三重県立北星高等学校): Yokkaichi-shi Oazamochibuku 668-1

  1. Nilalaman

Japanese, English at Math classes: 2 lessons kada week

Classes sa humanities (shakai), science at practical subjects (jitsugi kyouka): 1 class kada week

Ang mga nilalaman ng practical classes ay technology sa Tsu at arts sa Yokkaichi

Kung kinakailangan, magkakaroon ng rebisyon ng primary – shogakko

  1. Paano mag register
    1. Target persons

Mga residente ng Mie na ipinanganak bago ang Abril 1, 2007

*Maliban sa mga taong nakatapos ng high school graduation (koukou))

    1. Impormasyon sa Pagpaparehistro (Pakibigay ang mga sumusunod na item)

Pangalan, kapanganakan, address, contact phone number, ninanais na lokasyon (sa Tsu o sa Yokkaichi)

    1. Paraan ng Enrollment

1 – Online registration: click here

2 – Tel: 059-224-2963 (sa wikang Japanese lamang)

3 – E-mail (gakokyo@pref.mie.lg.jp)

4 – Fax: 059-224-3023

5 – Dumiretso sa Education Sector ng Elementary I and II sa seventh floor ng Mie Government Office (Kencho).

  1. Iba pang mga detalye
  • Libre ang mga klase
  • Ang mga detalye ng Second semester ay ilalabas sa kalaunan
  • Ang mga workbook ay ipapamahagi nang walang bayad
  • Tinitingnan ng organisasyon ang pagdaraos ng mga online na klase para sa mga taong nahihirapang makapasok sa mga klase.
  • I-click dito para makita ang Manamie’s flyer
  • Kung nahihirapan kang mag-apply o gustong matuto ng Japanese, makipag-ugnayan sa MieCo
  • MieCo, Mie Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente (Mie Consultation Center for Foreign Residents)
    Telefone: 080-3300-8077
    https://www.miefweb.org/mieco/

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shochugakko Kyoiku-ka Shochugakko Kyoiku-han

(三重県教育委員会事務局 小中学校教育課 小中学校教育班)

TEL: 059-224-2963