2018/06/12 Tuesday Mie Info
Kalusugan
感染症の対処方法を知ろう
Maraming mga tao na malamang ang nakakakita ng mga balita tulad ng “Lumalaganap ang Gastrointestinal cold.” Naiintindihan nyo ba ng mabuti ang lahat ng tungkol sa gastrointestinal cold?
Ang gastrointestinal cold ay isang nakakahawang sakit na tinatawag na “Impactious Gastroenteritis”. Ang bilang ng mga taong nahawaan ay kadalasang tataas simula ng Nobyembre at ang peak ay sa Disyembre. Matapos noon ay pansamantalang ito ay bumababa, ito ay tataas muli tuwing Enero hanggang Marso, at pagkatapos ay unti-unti ulit itong bumababa.
Ang Norovirus at Adenovirus tuwing taglamig, impeksyon ng Rotavirus tuwing spring at mga unang buwan ng tag-init ay mas lalong lumalaganap. Gayon din ang mga bacterial katulad ng Vibrio Parahaemolyticus at ang mga tinatawag na food poisoning ay ang mga sanhi ng gastroenteritis sa tag-init.
Kaya’t ang gastroenteritis ay nangyayari sa buong taon. Alamin natin ang mga sintomas ng gastroenteritis at ang ruta ng impeksyon at sikapin na mapigilan ito.
Pangunahing sintomas
Ang mga sintomas ay katangian ng sakit ng tiyan, pagtatae, pagsusuka, mababang lagnat atbp. Ito ay karaniwang gagaling sa loob ng ilang araw hanggang sa isang linggo. Gayunpaman, sa matinding sintomas, maaaring magdulot ng dehydration o paggaling ng higit pa sa isang linggo.
Kung ang mga sintomas ay hindi gumagaling, pumunta sa isang medical institution at magpa-medical check-up.
Ang ruta ng impeksiyon
Sa kadalasang kaso, mahahawaan ng gastroenteritis kapag nakipag-ugnayan sa isang pasyenteng may sakit nito (tae, suka , atbp.), contaminated na tubig, pagkain at kapag ang oral virus at bacteria ay nakapasok sa katawan.
Paraan ng pag-iwas
Sa bahay, mangyaring bigyang-pansin ang mga sumusunod na puntos at mangyaring mag-ingat.
Kapag nahawaan ng gastroenteritis, ang mga masakit na sintomas ay matagal mawala. Ang paggamot dito ay kadalasang symptomatic treatment (ang pagpawi ng mga sintomas o pagtanggal ng mga sintomas sa pamamagitan ng pag-release ng bacteria at mga virus sa halip na direktang alisin ang sanhi ng sakit), at matagal ito bago gumaling. Samakatuwid, ang pag-iwas ay pinakamahalaga. Mangyaring gamitin din ang impormasyong ito sa lahat ng paraan upang protektahan ang iyong pamilya kasama na ang iyong sarili.
*Sanggunian* (Japanese only)
http://www.kenkou.pref.mie.jp/topic/ityou/ityou.htm
http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0014900034.htm
http://www.city.yokkaichi.lg.jp/www/contents/1509495290979/index.html
2019/02/18 Monday
2019/02/13 Wednesday
2019/02/04 Monday
2019/02/04 Monday
2016/03/15 Tuesday
2015/03/19 Thursday
2018/12/06 Thursday
2018/11/12 Monday
2018/09/17 Monday
2018/09/17 Monday
2015/04/21 Tuesday
2017/02/07 Tuesday
2017/04/10 Monday
2019/02/18 Monday
2019/02/13 Wednesday
2019/02/04 Monday
2019/01/29 Tuesday