[Matsusaka] Ika-51 Nigiwai Shijo – Natsu Matsuri

平成27年7月25日(土)に松阪市で「第51回にぎわい市場デー:夏まつり」が開催されます

2015/07/21 Tuesday Seminar at mga events

Ika-51 Gaganapin angSummer Fiesta sa Nigiwai Market

Ang local wholesale market sa Mie ay bukas kada ika-4 na Sabado ng buwan at nagbebenta ng mga produktong may kaugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Magkakaroon ng pagkakataon na malaman kung anong uri ng pamihilihan mayroon sa local market at ang mga produktong dito lamang mabibili.

Sa Hulyo 25 ay ipagdiriwang ang「Summer Fiesta sa Nigiwai Market」at inaanyayahan ang lahat na dumalo lalo na ang mga batang nasa elementarya at ang kanilang mga magulang, gayundin ang mga pangakaraniwang mamimili upang mag-obserba sa local market.

  1. Petsa: Hulyo 25 (Sabado) 8:30 – 12:00 ng tanghali
  2. Lugar: Mie Local Market Wholesale Related Product
    (Matsuka-shi Ozucho 800)
  3. Mga Nilalaman:
    (1) Pagbebenta ng mga related product
    Sari-saring sariwang isda, seasonal na prutas, processed food, pang-sangkap sa pagkain, pangkaraniwang produktong ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay, snack, tinapay, bulaklak, preserved food, pangsahog sa pagkain, inihaw na unagi at iba pa.
    (2) Events sa araw na ito
    Magpapalabas kung paano hinihiwa ang isdang “Maguro”, Pakwan game (libreng pagtikim)
  4. Maaring makipag-ugnayan sa: Mie Chuo Market Management Company (Tel: 0598-56-8111)
    Oras ng Pagtawag: weekdays 9:00 – 16:30
  5. Iba pa:
    – Hindi maaring pumasok para magbenta ang mga walang kaugnayan sa pasilidad ng local market.
    – Iwasan na magtungo sa wholesale market ng mas maaga sa 8:30 dahil maaring makaabala sa paglalabas ng mga produkto.
    – Paunawa na maaring maubos agad ang mga paninda kayat maari itong magsara ng mas maaga.

Mapa patungo sa local wholesale market at kung paano magpunta dito: http://www.pref.mie.lg.jp/CHIZU/oroshi.htm

Link Homepagehttp://shijyo-management.com/new2.php?no=20150709_110347

nigiwai-shijo2015

 

2015 Mie Government Employee’s Examination and Municipal District Civil Employee’s Examination (B Exam at C Exam)

2015/07/21 Tuesday Seminar at mga events

平成27年度の三重県職員採用試験について

1st Examination: Septyembre 27 ( Linggo )

Araw ng pagpasa ng Aplikasyon:  Hulyo 24 ( Biyerner) ~ Agosto 25 ( Martes )

recrutamento.funcionarios.publicos-destaque

  1. Lugar ng eksaminasyon, bilang ng maaring kumuha ng eksaminasyon at kategorya ng eksaminasyon

Uri ng Eksaminasyon

Test Classification

Bilang ng Examinee

Government Employee ng Mie(B Exam) Pulisya 8 katao
Librarian 3 katao
Government Employee ng Mie(C Exam) Sektor ng pangkaraniwang empleyado Pangkaraniwang empleyado 7 katao
Engineering Civil engineering 3 katao
Pulisya 2 katao
Empleyado sa pampublikong paaralan ng lungsod(B Exam) Empleyado sa paaralan 22 katao
Empleyado sa Pampublikong paaralan ng Lungsod(C Exam) Empleyado sa paaralan 3 katao

Sa klasipikasyon ng pagpupulis, para makakuha ng eksaminasyon, kinakailangang ang nasyonalidad ay Hapon.
※ Para sa bilang ng kukuha ng eksaminsyon, maari itong mabago depende sa bilang ng mga bakanteng posisyon.
Sa pagpasa ng aplikasyon, hindi maaring parehong mag-apply sa B Exam at C Exam.

 

  1. Kuwalipikasyon ng pagkuha ng eksaminasyon

B Exam: Sa mga ipinanganak mula Abril 2, 1988 hanggang Abril 1, 1998

C Exam: Sa mga ipinanganak simula Abril 2, 1994 hanggang Abril 1,1998

Sa mga iba pang kuwalipikasyon, tingnan mabuti ang guidelines ng eksaminasyon.

 

  1. Araw ng eksaminasyon

B Exam

Classification

Petsa

1st Examination Septyembre 27, 2015 ( Linggo )
2nd Examination 1) Oktubre 22, 2015 (Huwebes)

2) Itatalaga alinman mula sa araw ng Oktubre 26~29, 2015 (am/pm・halfday)

 

C Exam

Classification

Petsa

1st Examination Septyembre 27, 2015 (Linggo)
2nd Examination 1) Oktubre 23, 2015 (Biyernes) AM・halfday

2) Oktubre 23, 2015 (Biyernes) PM・halfday o Oktubre 24 (Sabado) AM・halfday

  1. Paraan ng pagkuha ng eksaminasyon

(B Exam)
1st Examination: Edukasyon (written exam), Specialized Skills para sa civil engineer only (written exam)
2nd Examination: Essay (written exam), Personality Test (Personal interview, Aptitude Test)

(C Exam)
1st Examination: Edukasyon (written exam), Specialized Skills para sa civil engineer only (written exam)
2nd Examination: Essay (written exam), Personality Test (Personal Interview at Aptitude Test)

 

  1. Proseso ng pagkuha ng eksaminasyon

Mula Hulyo 24 (Biyernes) hanggang Agosto 25, 2015 (Martes), maaring magpasa ng aplikasyon sa pamamagitan ng internet o ipasa sa post office o di kaya naman ay dalhin ito ng personal sa tanggapan.  Kung magpapasa ng aplikasyon sa internet, siguraduhin na makakarating ito sa tanggapan ng Mie hanggang Agosto 25 (Martes) ng tanghali.

※Ang mga impormasyong nakasaad dito ay ilang lamang sa mga impormasyong tungkol sa pagkuha ng eksaminasyon. Kung interesadong kumuha ng pagsusulit, mangyaring basahin na mabuti ang examination guidelines bago magpasa ng aplikasyon.

 

Para sa mga Katanungan・Tanggapan ng Aplikasyon
Mie Prefecture Personnel Commission Office TEL 059-224-2932
(〒514-0004 Tsu shi Sakaemachi 1 Chome 891 Mieken Roudousha Fukushi Kaikan 4th Floor)

Homepage Hiring Guidelines ng Mie Government Employee
http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo