Hanapin ang Keyword! ”: Collaborative event sa pagitan ng mga parke ng probinsya

県営公園合同イベント「キーワードを探せ!」を開催します

2017/05/15 Monday Seminar at mga events

Sa mga provincial parks ng (Hokusei Chuo Koen · Suzuka Seishonen no Mori · Kameyama Sunshine Park), ang pinaka-unang collaborative event ay gaganapin, ang “Hanapin ang Keyword! “. Mayroong mga hinandang prizes, at samantalahin ang opurtunidad na ito upang mas makilala ang mga park ng probinsya.
Araw: April 29, 2017 (Sabado) ~ June 30 (Biyernes) 9am~4pm
Lugar:

(1) Hokusei Chuo Koen (Yokkaichi-shi Nakamura-cho 1080) TEL 059-339-2319

(2) Suzuka Seishonen no Mori (Suzuka-shi Sumiyoshi-cho Azanakaotani 6744-1)   TEL 059-378-2946

(3) Kameyama Sunshine Park (Kameyama-shi Fuke-cho 801-1) TEL 0595-83-0339

Paraan ng pagsali: 

Humingi ng form na susulatan sa opisina ng kada park at hanapin ang mga keywords (Anim kada park) na nakatago. Pagkatapos ay isulat ang mga nahanap na keywords sa form at ipasa ang form sa opisina tuwing araw ng event.

Participation fee: Libre (Hindi kinakailangang magpa-register)

Prizes:      

 (1) Regalo para sa pinaka-unang 150 katao na makaka-kolekta ng mga keyworks sa isang park.

(2) May 20 na Lucky Draw  “Waku waku Ticket”, na maaaring magamit sa mga may bayad na pasilidad ng 3 parks, para sa mga taong naka-kolekta ng keywords sa 2 parks.

(3) Tatlong Lucky Draw na may ¥ 2000 (in pairs) para sa mga taong naka-kolekta ng keywords sa 3 parks

 

Contact Information:

For further information, please contact the offices of the nearby parks or “Suzuka Kensetsu Jimusho” (Suzuka Construction Office).
Mie-ken Suzuka Kensetsu Jimusho Office of Management and General Affairs (Division of Management)

Address   〒513-0809         Suzuka-Shi Nishijo 5-117 (Suzuka Chosha –  3rd Floor)
TEL  059-382-8683  FAX  059-382-1539

E-mail  zkenset@pref.mie.jp

Tayo ay magbayad ng 2017 Automobile Tax sa takdang petsa

2017/05/15 Monday Seminar at mga events

2017年 自動車税は納期限について

Ang due date ng Automobile Tax sa taong ito ay sa May 31 (Miyerkules)

Ang mga tao na nagmamay-ari ng sasakyan ay kailangan magbayad ng Automobile Tax ng isang beses sa isang taon.

Ginagamit ito ng  Mie Prefecture para magsagawa ng mga iba’t ibang serbisyong administratibo tulad ng paaralang edukasyon at kalusugan, medical care, welfare enhancement, pagdevelop ng transportasyon at network ng transportasyon, pag-secure ng trabaho, at mga panukala ng disaster prevention.

May dumating na sa mga may ari ng sasakyan na envelope na may picture ng pulang sasakyan (katulad ng nakalarawan sa ibaba) na pinadala galing sa munisipyo.

Gamit ang “Payment Slip” na nasa envelope, maaring mabayaran ito sa mga bangko at mga convinience store. bukod dito, maaaring makapagbayad gamit ang credit card (ito ay kapag gagamit ng Internet sa pagbayad)

Kapag hindi nakabayad hanggang sa due date, ay hihilingin na magbayad din ng “Penalty fee”.

Kapag nabigyan ng notice ngunit hindi nakapagbayad ay required sa ating bansa na halimbawa, pagkuha ng mga ari-arian katulad ng mga sasakyan at sweldo.

Mangyaring siguraduhin na makapagbayad bago ang due date na May 31.