Ang Disyembre at Enero ay ang Prefectural Tax “Seizure Strengthening Month”

12月・1月は県税の「差押強化月間」です

2017/12/08 Friday Kultura at Libangan

Sa Mie prefecture, upang matigil na ang mga hindi nagbabayad ng Prefectural Tax, Sa Disyembre at Enero ng susunod na taon, ang dalawang buwan na ito ay itinuturing na “Seizure Strengthening Month” ng prefectural tax.

Ang “seizure” ay isang sapilitang disposisyon na alinsunod sa batas. Ito ay dapat gawin sa mga hindi nagbabayad ng prefectural tax kahit na may sinisweldo at may mga ari-arian, ito ay upang panatilihin na makatarungan o maging fair sa mga nagbabayad bago mag deadline.

Hanggang ngayon, ang mga tanggapan ng county tax sa prefecture ay magsasagawa ng “Seizure Disposal” nang sabay-sabay sa mga delingkuwente na malinaw na walang balak na magbayad sa kabila ng katotohanan na siya ay ipinadalhan ng demand na magbayad nang maraming beses.
Ang iba’t ibang mga ari-arian tulad ng “mga credit” “suweldo”, “mga account na maaaring tanggapin”, “mga deposito at savings”, “life insurance”, “mga sasakyan” at “real estate” ay ang mga bagay na maisasam sa seizure.

Para sa “Automobile Seizure” isang “Tire Lock” ang maaaring mai-install upang hindi ito magamit. Ang mga nasamsam na sasakyan, real estate, at iba pa ay ibebenta sa pampublikong auction sa internet at gagamitin ito para sa mga buwis na hindi nabayaran. Bilang karagdagan, maaari din isagawa ang isang panukalang tinatawag na “Search” ito ay upang matuklasan kung may mga tinatagong ari-arian na maaring isama sa seizure. Ang prefecture tax na “seizure strengthening month” ay para sa dalawang buwan ng Disyembre at Enero, ngunit maaari din isagawa ang seizure sa anumang oras kahit na sa ibang mga panahon.

Sa mga hindi nagbabayad ng prefectural tax, mangyaring siguraduhing bayaran ito sa lalong madaling panahon.

(Reference)

〇 Major prefectural tax na nakolekta ng prefectural tax office

Automobile tax, Individual Enterprise tax, Real Estate acquisition tax atbp.

〇 Status ng automobile tax sa taxation ng 2017 (as of the end of October)

Collection rate (current year) 99.2% Delinquent amount (current year) Nasa bandang 230 million yen

〇 Bilang ng naisagawang seizure noong 2016

6,400 (Na kung saan 1,480 ay nangyari noong strengthening month)

 

Makipag-ugnayan sa

Mie Ken Somu-bu Zeishu Kakuho-ka (Mie Prefecture General Affairs Department Tax Collection Division)

TEL 059-224-2131

Tungkol sa proseso ng renewal ng Omoiyari Chuusha-jo Riyo-sho o Omoiyari Parking Certificate

2017/12/08 Friday Kultura at Libangan

おもいやり駐車場利用証の更新手続きについて

Simula noong July 2017, nawala na ang expiration date ng Omoiyari Chuusha-jo Riyo-sho o “Omoiyari Parking Certificate” na binibigay sa mga taong may kapansanan, matanda na nangangailangan ng long-term care, at sa mga taong may sakit na walang lunas.

Sa mga gumagamit nito, kapag ninanais na maipatuloy na magamit ang kasalukuyang certificate, kinakailangang magpa-renew. Ang proseso ng pag-renew ay maaaring gawin ng tatlong buwan bago dumating ang expiration date. Mangyaring dalhin ang inyong personal identification card at ang application certificate sa kinauukulang tanggapan.

Ano ang ibig sabihin ng sistema ng Omoiyari Chuusha-jo Riyo o “Omoiyari Parking Certificate”?

 Ito ay ang sistema na nagbibigay ng certificate of usage sa mga parking lot na para sa mga disabled. ipinagkakaloob ito sa may mga nangangailangang tao katulad ng mga taong may kapansanan, mga buntis, may mga injuries, mga matatanda na hindi na makalakad, nahihirapang maglakad o may mga sakit. Ito ay matatagpuan sa mga iba’t-ibang pasilidad katulad ng mga pampublikong pasilidad at pangkomersyal na pasilidad at ginagamit itong certificate upang makapag-parking.

Mangyaring tignan ang sumusunod na URL para sa certificate application / renewal window at mga requirements (Japanese only)

http://www.pref.mie.lg.jp/UD/HP/73426012526.htm

Makipag ugnayan sa:

Mie Ken Kenko Fukushi-bu Chiiki Fukushi-ka (Mie Prefecture Health and Welfare Department Community Welfare Section)

TEL 059-224-3349

FAX 059-224-3085