2018/10/17 Wednesday Mie Info
Impormasyon, Karera
外国人が活躍する企業② 浅井農園
Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang regular na empleyado kahit na sa loob ng Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng mga kumpanya ang pinagta-trabahuan ng mga dayuhang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang ginagawa ng mga kumpanya para sa mga dayuhang empleyado upang maging isang aktibong bahagi?
Sa pagkakataong ito, nag-interview ang mga international students na nag-aaral sa mga unibersidad sa Mie Prefecture, si Wu KeXin at Nguyen Thi Xuan Dao, kasama ang assistant na si Mr. Ariyoshi Haruhisa at itinampok ang Kabushikigaisha Asai Nouen na matatagpuan sa Tsu City.
Ang Asai Nouen ay palaging may hamon sa paggawa ng pinakamalasa at produktibong kamatis sa mundo upang matugunan ang mga pangangailangan ng merkado at mga customer. Nagtatanim sila ng mga mini tomato na may higit sa 1,000 tonelada bawat taon at itinatag nila ang mga modelo ng agrikultura na may mataas na kakayahang kumita.
「Interview kay Mr. Nomura Yoshiyuki Manager ng Production Development Division 」
Q: Ano ang katangian ng Asai Nouen?
A: Ang Asai Nouen ay higit sa lahat ay nagtatanim ng mga mini tomato, ginagawa namin ang isang paraan na may bihirang paraan ng pagcultivate kaysa sa ibang mga grower dito sa Japan. Orihinal na nagdala kami ng ilang mga teknolohiya mula sa Netherlands, tulad ng mga machine na makokontrol ang paligid ng buong house, pagtanggap ng mga tagapayo mula sa Netherlands at pag-aaral ng mga state-of-the-art na teknolohiya.
Sa ganitong paraan, sa palagay ko nakikita namin ang agrikultura na hindi madaling makita ng iba sa Japan.
Habang ang Asai Nouen ay gumagamit ng mga teknolohiya mula sa ibang bansa, pinopromote din nila ang mga benta sa ibang bansa at gayun din sa pagpapaunlad ng teknolohiya sa ibang bansa. Tila ang mga batang talento ay natipon mula sa buong mundo sa gitna ng pagtaas ng exchange sa ibang bansa.
「Interview kay department manager Mr. Nomura Yoshiyuki」
Q: Dadagdagan mo ba ang pagrecruit ng mga dayuhang empleyado?
A: Ang isa sa aming katangian ay ang madalas na pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Kung kaya, nais naming maghire ng ilang tao na marunong magsalita ng Ingles. Kami ay nagpaplanong mag-hire ng isang tao mula sa Sweden sa darating na Oktubre. Tatanggap din kami ng iba pang nasyonalidad kung interesado sila.
Q: Anong mga pagsasaalang-alang ang ibinibigay mo sa mga dayuhang empleyado?
A: Wala namang espesyal na pagtrato, dahil pareho naman sila sa kahit sinumang miyembro, pare-pareho ang pagtrato namin sakanila maging Hapon man o dayuhan. Gayunpaman, may mga kaso kung saan nahihirapan sila sa wikang Hapon, hinihikayat ko silang huwag mahiya at sabihin ang anumang nais nilang sabihin at sinusubukan ko ang aking makakaya upang panatilihin ang communication sa kanila.
Sa kabilang banda, tinanong namin ang dalawang dayuhang empleyado na galing sa China at Belgium kung ano ang pananaw nila sa kanilang trabaho.
「Interview kay Wu Tingting ng Research and Development Headquarters」
Q: Ano ang dahilan ng pagsali mo sa kumpanya?
A: Nakilala ko si Mr. Yuichiro Asai, ang aming kasalukuyang representative director sa Mie University. Dati ko pa naisip na gusto kong magtrabaho sa advanced na agrikultura sa pamamagitan ng pagpapasok ng teorya ng siyensiya sa kontemporaryong agrikultura, at naisip ko na maaari kong gawin iyon kung sasali ako sa Asai Nouen.
Q: Ano ang magandang bagay sa pagtatrabaho sa Asai Nouen?
A: Maganda ang working environment. Lahat ay napaka-open na nakikipag-communicate saakin. At naisip ko na maganda (sumali ako sa kumpanya) dahil ito ay isang workplace na magagamit ko ang aking kaalaman at maging aktibo globally.
Q: Kamusta naman ang pakikitungo mo sa ibang mga empleyado?
A: Madaling makipag-usap sa mga dayuhan at Hapon na walang diskriminasyon, mayroon kaming maraming karaniwang mga bagay tulad ng mga interes at karaniwan na mga libangan at itinuturing namin ang bawat isa bilang mga kaibigan at ang ilan ay para ng kapatid.
「Interview kay Redouane Haider ng Production Development Department」
Q: Ano ang magandang bagay sa pagtatrabaho sa Asai Nouen?
A: Malakas ang motivation ko, dahil motivated din ang lahat ng kasamahan ko, kaya kami ay nakakapagtrabaho ng husto.
Q: Kamusta naman ang pakikitungo mo sa ibang mga empleyado?
A: Nagbibigay ako ng kahalagahan sa komunikasyon. Palagi akong nakikipag-usap sa iba at bumubuo ako ng magagandang relasyon.
Ang Asai Nouen ay isang kumpanya na nagbabago ng imahe ng buong agrikultura, kasama ang state-of-the-art na teknolohiya at pamamahala ng pagkakaiba-iba. Ang mga empleyado ay hindi lamang mga magsasaka, sinasabi nila na lahat ay nagtatrabaho sa tema ng pananaliksik. Ang impluwensya ng mga indibidwal na empleyado at ang komunikasyon sa pagitan ng mga bata at masiglang mga empleyado ang sumuporta sa pagpapaunlad ng Asai Nouen.
Kabushikigaisha Asai Nouen
Established: January 1975 (Binuo noong 1907)
Headquarters Location: Mie-ken Tsu-shi Takanoo-cho 4951
URL: www.asainursery.com
Sa pagtatapos, si Mr. Nomura ay nagbigay ng mensahe ng suporta sa mga dayuhang naninirahan at nagtatrabaho sa Japan.
「Interview kay general manager Mr. Nomura – sagot sa ika-4 na tanong」
A: Sa tingin ko may iba’t ibang hirap na mararanasan kapag nagtatrabaho sa isang Japanese company, ngunit may mga kumpanya kung saan maaari kang magtrabaho nang maayos. Sa ganitong pananaw, huwag mag-atubiling hikayatin ang sarili na umunlad sa isang Japanese company.
Ang mga artikulong isinulat ng mga banyagang reporter na si Wu KeXin at Nguyen Thi Xuan Dao ay naka-post dito. Ang isang pulong ng ulat ay naka-iskedyul sa Disyembre.
Mga artikulo na sakop ng mga banyagang reporter
www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html
(株式会社浅井農園) (Japanese · Chinese · Vietnamese)
Business visit report meeting
Petsa at oras: Sabado, Disyembre 8, 2018 13: 30 ~ 15: 15
Lugar: Ust Tsu 3rd floor (Tsu-shi Hadokoro-cho 700)
Ang video na ito ay ginawa gamit ang tulong mula sa Association of Internationalization International Government.
2018/12/06 Thursday
2018/12/04 Tuesday
2019/02/13 Wednesday
2019/02/04 Monday
2019/01/23 Wednesday
2018/12/06 Thursday
2018/11/12 Monday
2018/09/17 Monday
2018/09/17 Monday
2017/04/10 Monday
2015/04/21 Tuesday
2017/02/07 Tuesday
2019/02/18 Monday
2019/02/13 Wednesday
2019/02/04 Monday
2019/01/29 Tuesday