Konsultasyon sa trabaho at pamumuhay para sa mga dayuhan

外国人のための職業及び生活相談会を開催します

2019/01/29 Tuesday Anunsyo

Magsasagawa kami ng ng isang consultation meeting para sa mga naghahanap ng trabaho sa Mie prefecture na nagtrabaho bilang temporary workers sa Sharp Corporation Kameyama Plant. Mangyaring pumunta sa lugar ng konsultasyon na malapit sa inyo.

  1. Petsa at oras ・ Lugar

[Suzuka venue]

Petsa at oras: February 4, 2019 (Lunes) 10: 00-15: 00 maliban sa 12: 00-13: 00
Lugar: Suzuka City Hall 12th floor 1204 Conference Room (Mie-ken Suzuka-shi Kobe 1-18-18)

[Kameyama venue]

Petsa at oras: February 5, 2019 (Martes) 10: 00-15: 00 maliban sa 12: 00-13: 00
Lugar: Kameyama City Hall 3rd floor Conference Room (Mie-ken Kameyama-shi Honmaru-cho 577)

  1. Sino ang maaaring makilahok

Mga dayuhang manggagawa na nagtrabaho bilang isang temporary employee sa Sharp Corporation Kameyama Plant, na umalis sa trabaho sa pagitan ng Enero at Disyembre 2018 at kasalukuyang naghahanap ng trabaho sa Mie Prefecture

  1. Nilalaman

Konsultasyon sa trabaho at pamumuhay

  1. Application・Suportadong language

Ang konsultasyon ay libre, hindi kailangan ng reservation. Mangyaring pumunta sa bawat lugar sa petsa na nakasaad sa itaas.

Mayroong mga interpreter sa Portugese at Spanish.

Flyers (JapanesePortugueseEspañol)

  1. Sponsorship

Mie Prefectural Labor Bureau・Mie Prefecture

  1. Iba pang mga detalye

Sa Mie Prefecture International Exchange Foundation (Ust Tsu 3rd floor), magse-set up kami ng isang pansamantalang consultation window sa pagitan ng February 8, 2019 (Biyernes) hanggang February 14, 2019 (Huwebes) (kabilang ang Sabado, Linggo, at holiday). Libre ang konsultasyon, Mayroong mga interpreter sa Portugese at Spanish.

Oras ng tanggapan: 10: 00-15: 00 * maliban sa 12: 00-13: 00
Contact number: 059-223-5006

Pagpapakilala sa Consumer Affairs Center

2019/01/29 Tuesday Anunsyo

消費生活センターの紹介

Mayroong iba’t ibang problema tungkol sa mga consumer at ang mga lugar kung saan maaari mong pag-usapan ang mga problema na iyon ay sa Consumer Affairs Center at Consumer Affairs Consultation Desk. Sa video na ito, ipapakita namin sa inyo kung paano konsultahin ang tungkol sa mga problema sa consumer. Gayunpaman, ang tanggapan ng Consumer Affairs Center ay nasa wikang Hapon lamang. Para sa mga dayuhang residente na hindi marunong magsalita ng wikang Hapon, mangyaring humingi ng tulong sa kakilalang makakapag-interpret at kumunsulta.

Tingnan natin kung paano mag-konsulta.

Isang dayuhan na naninirahan sa Japan si Mr. A ang inalok ng isang tindero na pumunta sa kanyang bahay at nag-sign ng isang kontrata. Ang nilalaman ng kontrata ay kung si Mr. A ay bumili ng mga pampaganda nang maramihan at sa pamamagitan ng pagbebenta nito sa mga kakilala, magiging madaling kumita. Gayunman, nang malaman niya na hindi madali ang pag-recruit ng miyembro, sinubukan niyang kanselahin ang kontrata ngunit sinabi ng kumpanya na hindi nito maaaring kanselahin ang kontrata. Sa ganitong kaso, ano ang dapat niyang gawin?

[A: Biktima] May problema ako ngayon dahil hindi ko ma-kansela ang kontrata na ito. Maaari ba nating tawagan ang Mie prefecture Consumer Affairs Center sa Tsu?

[B: Kaibigan na makakapag-interpret] Oo naman, tawagan natin ngayon.

[Narration] Ang kaibigan na makapagpaliwanag sa wikang Hapon ay tumawag sa telepono ng consumer affairs center at ipaliwanag ang sitwasyon, at sinabihan sila na dumirecho sa opisina sa Tsu city.

[Simulation of correspondence]

[Counselor] Anong nangyari?

[A] and [B] Nag-sign ako ng isang kontrata dahil ang tindero na pumunta sa bahay ay inirekomenda na kung bumili ako ng mga pampaganda nang maramihan at ibenta ito sa isang kaibigan o kakilala, madali akong kikita ng pera. Naisip ko na kung maaari kong madagdagan ang bilang ng mga tao upang bumili ng produkto mas madaling kikita, ngunit walang bumili ng mga item. Naisip ko na gagana ito, ngunit wala akong magagawa kahit ano. Nilagdaan ko ang isang mahal na kontrata, kaya magkaka-problema ako sa mga gastusin sa buhay sa hinaharap. Anong gagawin ko.

[Counselor] Tinago mo ba ang kontrata at iba pang mga materyales?

[A] and [B] Oo, dala ko ang kontrata at ang resibo.

[Counselor] Tila ito ay isang MLM o Multi Level Marketing . Alam mo ba ang cooling-off system?

[A] and {B] Ano ang cooling-off?

[Counselor] Tulad nito, biglang kang bibisitahin ng isang tao sa iyong tahanan at hihikayatin kang gumawa ng isang kontrata nang hindi ka makapag-desisyon ng mahinahon.

[A] Opo.

Tungkol sa cooling-off 

Ang cooling-off ay nangangahulugan ng pagpapalamig ng iyong ulo, ito ay isang oras upang muling isaalang-alang ang mga produkto na binili mo, kung wala ba talagang problema o kung talagang gusto mong bilhin ang produkto.

Depende sa mga kalakal na nabili at ang paraan ng pagbebenta, kung gagamitin mo ang cooling-off system, maaari mong kanselahin ang kontrata kung ito ay nasa loob ng isang tiyak na panahon mula sa petsa ng kontrata, ibalik ang item, at kumuha ng refund.

[A] and [B] Ano? Talaga. Maaari ko bang kanselahin ito?

[Counselor] Oo. Sa kasong ito maaari mong gamitin ang cooling-off system kung ipagbigay-alam mo sa kabilang partido sa loob ng dalawampung araw pagkatapos mag-sign ng kontrata. Ang kontrata ay 10 araw na nakalipas, kaya ang cooling-off ay posible.

Tungkol as notification letter

Ang cooling-off ay maaaring maabisuhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga postcard, atbp. Kopyahin ang magkabilang panig ng nakasulat na postcard at itago ito. Pagkatapos, ipadala ang iyong postcard sa isang paraan na mananatili ang katibayan ng iyong pinadala, tulad ng “Specific Record Mail” o “Simple Registered Mail”. Kung ang pagbabayad ay ginawa sa pamamagitan ng credit card, dapat mo ring ipaalam sa credit card company.

[Counselor] Mula ngayon, mangyaring suriin nang mabuti ang mga detalye ng kontrata at paraan ng pagbabayad bago bumili ng produkto o gumawa ng isang kontrata.

[A] and [B] Maraming salamat. Nakatira ako sa Japan sa loob ng sampung taon ngunit hindi ko alam ang tungkol sa cooling-off.

[Counselor] Kung magkakaproblema ka sa isang kontrata, mangyaring kumunsulta sa consumer affairs center sa anumang oras.

Upang epektibong kumunsulta sa isang consumer affairs center, hangga’t maaari magdala ng mas maraming impormasyon tungkol sa kontrata. Kapag mas maraming impormasyon, malamang mas makakahanap ka ng solusyon. Kaya dalhin ang:

  • Kontrata, resibo, brochure
  • Mga notes na isinulat ng pinag-usapan o habang nakikipag-usap sa telepono (na may petsa)
  • Kopya ng mail at mga naka-print na materyales
  • Business card ng salesman

Tiyaking itago ang mga item na ito pagkatapos ng kontrata.

Gayundin, kung ikaw ay pinagsinungalingan o tinakot na ang cooling off sistema ay hindi maaaring ipatupad, atbp. habang ikaw ay nasa cooling off period, mae-extend ang cooling off period. Kung ang operator ng negosyo ay nagbigay ng isang dokumento na nagpapahayag na maaari gamitin ang cooling off system, ang period ay kakalkulahin mula sa araw na iyon.

Bilang karagdagan sa mga problemang ito dahil sa pagbisitang mga tindero as inyong bahay, kapag may problema ka sa mga produkto, serbisyo, problema sa kontrata, huwag mag-alala nang mag-isa, mangyaring kumunsulta sa municipal consumer consultation desk ng iyong lugar o sa Mie prefecture consumer affairs center.

<Lugar ng konsultasyon>

  • Consumer hotline TEL: 188 (walan station number)
    Kapag tumawag sa “188”, makakarinig ng isang Japanese announcement, at kapag nilagay ang iyong zip code ay iko-connect ka sa pinakamalapit na municipal consumer affairs consultation desk o sa Mie prefecture consumer affairs center.
    Mie-ken Shohi Seikatsu Center Consultation TEL: 059-228-2212
  • Oras ng konsultasyon: Lunes – Biyernes 9 am – 4 pm (hindi kasama ang 12 pm – 1 pm) ※ Maaaring kumunsulta sa pagbisita
    ※Maliban as weekends, holidays, transfer holidays, Disyembre 29 – Enero 3
    〒514 – 0004 Mie-ken Tsu-shi Sakaemachi 1 – 954  Mie-ken Sakaemachi Chosha 3F
    URL: http://www.pref.mie.lg.jp/SHOUHI/HP/
  • Pakitingnan ang sumusunod na website para sa bawat municipal consumer affairs consultation desk (information as of April 1, 2018).
    http://www.pref.mie.lg.jp/SHOUHI/HP/81765046344.htm