(2018/10/01~) Pinakamababang Suweldo sa Mieken

[2018年10月1日~] 三重県 最低賃金が変わります

2018/10/01 Monday Anunsyo

Halaga kada oras: ¥846

(26 yen na dagdag kumpara noong 2017)

Araw ng Pag-issue: Oktubre 1, 2018

*Para sa lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Mie.

(Maliban sa mga taong may nakatalagang minimum wage)

Para sa mga detalye, tumawag sa Mie Labor Bureau Salary Division (Mie Roudou Kyoku Chin Gin Shitsu)《TEL: 059-226-2108》 o magtanong sa pinakamalapit na Labor Standards Inspection Office (Roudou Kijun Kantoku) (Japanese only)

Nakatala din ito sa homepage ng Mie  Labor Office
https://jsite.mhlw.go.jp/mie-roudoukyoku/hourei_seido_tetsuzuki/tingin_kanai.html

Ang unang hakbang sa paghahanda para sa mga lindol ay mula sa Seismic Diagnosis

2018/10/01 Monday Anunsyo

~家の無料耐震診断と補助金制度のご案内~

Sa prefecture at mga munisipal na bayan, ang “earthquake-proof diagnosis” na maaaring malaman kung paano i-secure ang bahay laban sa lindol ay isinasagawa nang walang bayad. Pagkatapos ng diagnosis, bibigyan ng mga subsidies kapag magsasagawa ng pag-aayos, pagpapatibay atbp kapag matugunan ang ilang mga kundisyon.

Samantalahin ang sistema at ang pagkakataong ito upang maayos ang inyong bahay upang maging earthquake proof at protektahan ang iyong sarili at ang mga nasa paligid mo.

Nilalaman ng subsidy system

[Libreng seismic diagnosis]

Target houses: Bahay na gawa sa kahoy na itinayo bago mag Mayo 1981

[Seismic retrofit design]

Suporta hanggang 160,000 yen para sa reinforced design kapag nakatugon sa ilang mga requirements.

[Seismic reinforcement work]

Suporta hangang 1.1 million yen para sa reinforcement works kapag nakatugon sa ilang mga requirements.

*Ang sistema ay nag-iiba depende sa siyudad. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa libreng pag-diagnose ng seismic at subsidy system, mangyaring kontakin ang tanggapan ng iyong lungsod / bayan.

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka
TEL: 059-224-2720
FAX: 059-224-3147