2016 Highschool Graduate Certification Test

平成28年度高等学校卒業程度認定試験について

2016/04/12 Tuesday Edukasyon, Nilalaman, Selection

Ang senior highschool graduate certification test ay ginaganap ng 2 beses sa isang taon para mabigyan ng pagkakatoon ang mga estudyanteng hindi nakatapos ng senior highschool at walang kuwalipikasyong makapasok sa kolehiyo na makakuha ng sertipiko, at dito ay susuriin kanilang talino kung karapat-dapat bang magkatanggap ng sertipikasyon.

Ang mga subject na kailangan ipasa ay iipunin at hindi rin kinakailangang kunin ng sabay-sabay ang pagsusulit, bagkus ay maaring itong kuhanin ng ilang beses.

Ang mga nakapasa ay mabibigyang ng sertipiko na magpapatunay na maari na silang kumuha ng entrance exam para mapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo, junior college at vocational course. At dahil sa ang hawak nilang sertipikasyon ay katulad ng sa mga nakapagtapos ng senior highschool, maari rin nila itong gamitin bilang kuwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho at ibang pagsusulit.

Ang pagpaparehistro sa eksaminasyon na ito ay bukas sa lahat ng mga taong nasa edad na 16 na taon o pataas pagdating ng Marso 31, 2017.  Maari ding kumuha ng eksaminasyon ang mga kasalukuyang estudyante na pumapasok sa senior highschool. Subalit ang mga estudyanteng natanggap na sa kolehiyo ay hindi na kailangang kumuha ng eksaminasyon na ito.

Sa mga nais kumuha ng eksaminasyon, kumuha ng examination guidelines sa mga lugar na nakasaad sa ibaba at ihanda ang proseso ng pagpasa ng aplikasyon.

  1. ・Panahon ng pagbibigay ng gabay tungkol sa pagkuha ng eksaminasyon
    Ika-1   Abril 5 (Martes) hanggang Mayo 10, 2016 (Martes)
    Ika-2   Hulyo 21 (Huwebes) hanggang Septyembre 15, 2016 (Huwebes)
  2. ・Paraan kung paano makakuha ng impormasyon tungkol sa pagsusulit
    (1) Kung nais kuhanin ng direkta ang guidelines
    – Maaring kumunsulta sa “Voice of the Citizen” (Prefectural Office Building 7th floor)
    – Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept (7th fl)
    – Prefectural branch office (para sa detalye, tingnan「listahan kung saan nagpapamahagi ng guidelines」
     (2) Para sa mga gustong padalhan sila ng guidelines sa pamamagitan ng post office
    Ilagay sa loob ng sobre ang isang pang nakatuping sobre na may nakasulat na post number, address, pangalan ng sender at idikit ang 250 post stamp (kung 1 booklet) at saka ipadala sa                          address na nakasaad sa ibaba:
    ( To: )〒514-8570  (Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept.)
    三重県教育委員会事務局社会教育・文化財保護課
    「高卒認定試験受験案内希望」
    ※ Isaad sa loob ng sobra na nais makatanggap ng guidelines tungkol sa highschool certificate exam.
    ※ Maaring rin makakuha ng guidelines gamit ang computer at smart phone (magtanong)
  3. Paraan ng Pagpasa
    Kalakip sa examination guidelines ang gagamiting sobre na susulatan at ipapadala sa post office naka-address sa Ministry of Education, Health and Sports.
  4. ・Panahon ng pagtanggap ng aplikasyon
    Ika-1 Abril 20 (Martes) hanggang Mayo 10, 2016 (Martes)
    *Ang may postmark na hanggang Mayo 10, 2016 (Miyerkules) ay valid
    Ika-2 Septyembre 1 (Huwebes) hanggang September 15, 2015 (Huwebes)
    *Ang may postmark na hanggang Septyembre 15, 2016 (Huwebes) ay valid
  5. Araw ng Eksamination
    Ika-1 Agosto 3 (Miyerkules) at 4(Huwebes), 2016
    Ika-2 Nobyembre 5 (Sabado) at 6 (Linggo), 2016
  6. Lugar ng eksaminasyon
    Ika-1 Mie-ken Tsu Chosha (Tsu-shi, Sakurabashi 3-446-34)
    Ika-2 Mie Prefecture Office Auditorium (Tsu shi Komei cho 13 )

Para sa mga detalyeng impormasyon pindutin ang link sa ibaba

http://www.mext.go.jp/a_menu/koutou/shiken/ 

http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/2016020189.htm

Para sa mga katanungan: (Japanese Only)
Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shakai Kyōiku・Bunkazai Hogoka
(Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept.)
〒514-8570 Tsu shi Komei cho 13
TEL:059-224-3322

(Abril 2016) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2016/04/12 Tuesday Edukasyon, Nilalaman, Selection

県営住宅の定期募集について (平成28年4月募集)

(Abril 2016) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

Panahon ng Aplikasyon: April 1 (Biyernes)  hanggang April 30 (Sabado), 2016

Simula Abril 1 ay maaring alamin sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay  (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

Kahit kailan ay maari ninyong makita sa website na nasa itaas ang tungkol sa mga kuwalipikasyon sa pag-upa at ang mga paalala tungkol sa pag-upa.

Lahat ng impormasyon ay sa salitang Hapon.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ngAplikasyon Panahon ng pagpasa ngaplikasyon sa post office Araw ng Bunutan Unang araw ng pag-upa
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Agosto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.
Sa mga katanungan: Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 (Sa salitang Hapon lamang maaring makipag-usap.)