• Português (Portuguese, Brazil)
  • Español (Spanish)
  • Filipino
  • 中文 (Chinese)
  • English
  • 日本語 (Japanese)
Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Home
  • Nilalaman
    • Anunsyo
    • Edukasyon
    • Kaligtasan
    • Kalusugan
    • Karera
    • Kultura at Libangan
    • Paninirahan
  • Seminar at mga events
  • Video (Fl)
    • Alamin ang Mie
    • Araw-araw na Pamumuhay at Batas
    • Edukasyon
    • Impormasyon
    • Kalusugan
    • Kultura at Libangan
    • Kurso ng Pag-aaral ng Salitang Hapon
    • Kurso tungkol sa kalamidad
    • Tanggapan ng Impormasyon
  • Alamin ang Mie
    • Alamin ang Mie
  • Tungkol sa kalamidad

Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie

2015/04/21 Tuesday Alamin ang Mie
三重県の主な特色を紹介するビデオ


PortuguêsEspañolFilipino中文English日本語


Image4Maraming kilalang lugar sa Mie, pang-kalikasan man o pang-kultura ang maaring magkapag-bigay ng lubos na kasiyahan sa mga dayuhan.  Iminumungkahi na magpalipas ng oras at magpahinga sa mga maaliwalas na lugar na may natural spring water. Sa mga tradisyonal na templo at shrine, hindi lamang ang kasaynayan nito ang ating malalaman, mararamdaman din na sa pangkaraniwang araw ay nakapagbibigay ito ng kapayapaan na nakakaalis ng pagod sa katawan at pag-iisip.

Iminumungkahi sa mga pamilyang may mga anak na mag-enjoy ng todo sa mga amusement park dito sa Mie.  Sinisiguro na magiging isa ito sa mga karanasang hindi ninyo malilimutan.

Sa video na ito ay ipapakilala sa inyo ang mga lugar sa Mie na nagtataglay ng kakaibang kagandahan, katulad ng  lugar ng Higashi Kishu, Ise Shima, Chusei, Iga at Hokusei

Mas lalo pa nating alamin ang lugar ng Mie.

Higashi Kishu AreaImage7

Ang lugar ng Higashi Kishu na sagana sa likas na kayamanan ay kakikitaan ng kamangha-manghang tanawin kung saan ang magkatuwang na ganda sa paligid ng dagat at ilog ay masisinagan mula sa baybayin na siyang pang-akit ng lugar na ito. Sa kasibulan ng tag-init, ang mga turista mula sa ibat ibang panig ng Japan ay dumarayo  dito upang masilayan ang sikat firework festival sa lugar na ito.

Ang kinikilalang isa sa mga Yaman ng Mundo ay matatagpuan dito, ang 「Kumano Kodo」. Ang kasaysayan ng 「Kumano Kodo」ay masasabing mahigit libong taon na ang lumipas mula ng makilala ito bilang sagradong daan patungo sa templo. Tamang tama ang lugar na ito para sa meditasyon at hilig sa paglalakad.

Image16Ise-shima Area

Masasabing ang taglay na ganda ng baybayin ang magandang katangian ng lugar na ito. Ang mga sariwang pagkain sa lugar na ito na nahuhuli mula sa dagat ay napakasarap . Isa sa mga pinakasikat na pagkain sa lugar na ito ay ang 「 Tekone Sushi」at「Ise Udong」.

Ang sikat na 「Ise Jingu」na hinati sa 「Geku」at 「 Naiku」ay dinadalaw ng libo-libong mananamba taon taon. Sa paglalakad sa daan patungo sa mismong shrine ay mararamdaman mong nililinis ang iyong pagkatao.

Chusei  (Central Area)Image8

Sa sentrong bahagi ng Mie ay ang lugar ng Tsu kung saan nakatayo ang pinaka gusali ng  prepektura. Sa lugar din na ito ay maraming mga bulubunduking tanawin na habang pinagmamasdan ay maaring i-relax ang katawan sa mainit na spring water.

Sa buong araw ay maaring ma-enjoy ang mga modernong pasilidad  katulad ng museleo at art gallery kasama ang buong pamilya.

Isa na dito ang「MieMu(National Museum ng Mie)」at 「Mie Art Gallery」na matatagpuan din sa Tsu at ang Saiku Historical Museum ay matatagpuan naman sa lugar ng Meiwa.

Ang  kilalang brand  ng karneng「Matsusaka Beef」ay dinarayo ng mga tao mula sa ibat ibang lugar para lang tikman ang sarap nito.Image17

Iga Area

Ang lugar ng Iga ay kilala dahil sa mga “Ninja”. Malalaman mo ang lahat ng kasaysayan tungkol sa mga ninja kung magtutungo ka sa「 Iga Ninja Museum」at dito ay maari din masubukan kung paano maging isang ninja.

Sa iisang lugar kung saan nakatayo ang ninja museum ay matatagpuan ang 「Iga Ueno Castle」. Karamihan sa mga turistang nagpupunta dito ay nabibighani rin sa natural na ganda ng kalikasan ng lugar.

Isa rin sa mga kilalang lugar na pinupuntahan ng mga turista tuwing tagsibol ay ang 「Akame Shiju Hachi Taki」at「Kouchidani 」dahil sa makulay na ganda ng mga dahon.

Hokusei (Northern Areas )Image11

Sa hilagang bahagi ng Mie ay maraming ring mga tourist spot.

Ang 「Gozaishodake」na may ala panoramang ganda ng tanawin ay masisilayan ng buong isang taon at ang panggabing tanawin mula sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng pabrika ng Yokkaichi ay kilala rin ng lahat. Bukod sa mala-kulturang tourist spot na ito ay maraming rin mga amusement park na ma-eenjoy ng kahit anong henerasyon.

Sa lungsod ng Suzuka, idinaraos ang F1 International Race sa lugar ng「Suzuka Circuit」kung saan ang mga sikat na car racer ay nakilala sa lugar na ito. Isa rin sa mga sikat na amusement park ay ang 「Nagashima」at 「Nabana No Sato」.

Image14Sa video na ito ay ipinakikita  ang ilang lang sa mga magagandang lugar sa Mie. Bukod sa mga lugar na ito ay marami pang mga lugar na siguradong masisiyahan kayo sa ganda ng kalikasan.  At kadalasan ang mga lugar na ito ay madaling puntahan at may available na guidelines na nakasalin sa ibat ibang wika, kayat para sa mga dayuhan residente o maging galing man ng ibang bansa ay siguradong masisiyahang dumalaw dito.

Sa araw ng weekend o bakasyon, bakit hindi mo subukang isama ang mga kaibigan at buong pamilya at silayang ang kagandahang taglay ng lugar ng Mie.


Mie Tourist Information Link

– Exploring Mie Prefecture

– Exploring Mie: Thermal Spring of Mie

– Exploring Mie: Souvenirs from Mie

– Exploring Mie: Gastronomic Delicacies of Mie

(観光みえ Mie Tourism Guide)

[Higashi Kishu]

– Exploring Mie: Higahsi Kishu Region

– Kumano Kodo – World Heritage in Mie

– Exploring Kumano Kodo Center

[Ise Shima]

– Exploring Mie: Ise Shima Region

– [Exploring Mie] Festivals in Ise-Shima Region

– Exploring Ise Shrine (Naiku)

– Exploring Meotoiwa

– Exploring Pearl Island in Toba

[Chusei]

– Exploring Mie: Central Region

– [Exploring Mie] Festivals in central area

– Exploring MieMu – Mie Prefectural Museum

– MAP Children’s Castle in Mie

[Iga]

– Exploring Mie: Iga Region

– Iga Ninja Museum and Ninja Show

– Exploring Iga Ninja Museum and Danjiri Kaikan

– Exploring Mie – Kouchidani

– Exploring Mie – Akame Shijyu Hachi Taki

[Hokusei]

– Exploring Mie- Northern Area

– Exploring Mie – Festivals in northern area

– Ise Katagami – Tradition in Mie

– Tradition in Mie Yokkaichi Banko Yaki

– Gozaisho – a place to enjoy all the year

 


  • tweet
Ninnin NinjaTrial event 2 Spring Eco Fair Para sa Bata

Related Articles
  • 平成30年度 高等学校卒業程度認定試験
    [2018-H30] Highschool Graduate Certification Test

    2018/04/17 Tuesday

  • (2018年4月)県営住宅の定期募集
    (April/2018) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

    2018/04/16 Monday

  • Kasabay ng Mie Kenmin no hi sa Abril 18, gaganapin ang “Kenmin no Hi Kinen Jigyo” ng prefecture. Ngayong taon, ang tema ay (Mezasou! “Bosai no Nichijo-ka”〜 Shiru・Sonaeru・Kodo suru). Bosai Science Show Araw at oras: Abril 14, 2018 (Sabado) 13: 00 ~ 15: 00 (Opening 12: 30 ~) Lugar: Mie Ken Sogo Bunka Center Frente […]
    Gaganapin ang 2018 Kenmin no hi Kinen Jigyo

    2018/04/09 Monday

  • 貝拾いをするときの守るべき規則について
    Tungkol sa mga patakaran na kailangang sundin tuwing magtitipon ng shellfish.

    2018/04/06 Friday

More in this Category
  • 三重を知ろう ~ 日本の原風景 伊勢志摩の素晴らしい景色 ~
    Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~

    2018/02/14 Wednesday

  • 三重県内の有名な観光スポット「なばなの里」を知ろう!
    Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato

    2017/02/07 Tuesday


Seminar at mga events

  • Gaganapin ang 2018 Kenmin no hi Kinen Jigyo
    Gaganapin ang 2018 Kenmin no hi Kinen Jigyo

    2018/04/09 Monday

  • Gaganapin ang Ise City International Exchange Festival
    Gaganapin ang Ise City International Exchange Festival

    2018/02/16 Friday

  • 11th Athletic Marathon sa pagitan ng mga lungsod ng Mie, Isang Magandang Bansa!
    11th Athletic Marathon sa pagitan ng mga lungsod ng Mie, Isang Magandang Bansa!

    2018/02/02 Friday

  • Ang Civil Traffic Safety Movement ay gaganapin sa katapusan ng taon
    Ang Civil Traffic Safety Movement ay gaganapin sa katapusan ng taon

    2017/11/27 Monday

Alamin ang Mie

  • Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie
    Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie

    2015/04/21 Tuesday

  • Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato
    Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato

    2017/02/07 Tuesday

  • Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~
    Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~

    2018/02/14 Wednesday

  • Ang bagong certified Mie Brand na “Kuwana Hamaguri” at “Ise Takuan”
    Ang bagong certified Mie Brand na “Kuwana Hamaguri” at “Ise Takuan”

    2017/04/10 Monday

Nilalaman

  • [2018-H30] Highschool Graduate Certification Test
    [2018-H30] Highschool Graduate Certification Test

    2018/04/17 Tuesday

  • (April/2018) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura
    (April/2018) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

    2018/04/16 Monday

  • Tungkol sa mga patakaran na kailangang sundin tuwing magtitipon ng shellfish.
    Tungkol sa mga patakaran na kailangang sundin tuwing magtitipon ng shellfish.

    2018/04/06 Friday

  • Paturukan ang inyong aso ng rabies preventive injection
    Paturukan ang inyong aso ng rabies preventive injection

    2018/04/05 Thursday

Copyright - Mie Info Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Tungkol sa Mie Info
  • Makipag-ugnayan sa amin
  • Patakaran ng Website